AC Soriano binigyan ng pa-tribute si Vice Ganda: 'Ang saya-saya ko na may isang bakla na naroon sa tuktok...' | Bandera

AC Soriano binigyan ng pa-tribute si Vice Ganda: ‘Ang saya-saya ko na may isang bakla na naroon sa tuktok…’

Ervin Santiago |June 29,2023
facebook
share this

AC Soriano binigyan ng pa-tribute si Vice Ganda: ‘Ang saya-saya ko na may isang bakla na naroon sa tuktok…’

Ervin Santiago - June 29, 2023 - 06:47 AM

AC Soriano binigyan ng pa-tribute si Vice Ganda: 'Ang saya-saya ko na may isang bakla na naroon sa tuktok'

Vice Ganda at AC Soriano

NA-TOUCH nang bonggang-bongga ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa pa-tribute sa kanya ng isang content creator.

Ibinandera ng kilalang vlogger na si AC Soriano sa madlang pipol kung gaano niya kamahal at iniidolo ang TV host-comedian sa naganap na Pride March event nitong nagdaang Sabado.

Idinaan ni AC sa Instagram ang mensaheng nais niyang iparating kay Vice. Ipinost niya ang kanyang litrato na kuha sa Pride March kung saan kitang-kita ang kanyang Vice Ganda-inspired OOTD and make-up.

Sabi ng vlogger sa caption, “Every year, I make it a point to dress as someone who made me make it through the rain, and accept myself even further. Last year was @missizacalzado in her Amihan warrior costume.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AC (@itsacslife)


“This year, I dressed as the person na nakasama ko during my difficult adolescent years, hanggang ngayon,” sabi pa ni AC.

Ayon pa sa kilalang content creator, grabe ang impact ni Vice Ganda sa kanyang buhay at pagkatao bilang proud member ng LGBTQIA+ community.

Baka Bet Mo: Robi, Edward, Darren, AC solid ang barkadahan, sino ang ‘puso’ ng kanilang friendship?

“‘Di ko alam kung ilang beses ko nang pina-patronize si meme @praybeytbenjamin in person at in message, but I will never get tired of doing so.

“Sobrang seryoso ako na she got me through my adolescent years, hanggang sa pinaka-recent kong heartbreak na ni-long message ko s’ya at sinagot n’ya ako ng sobrang gandang mensahe,” pahayag pa ni AC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Pagpapatuloy pa niya “I love you so much, meme! Sobra sobra sobra sobra kitang idol, and thank you for representing me at napakarami pang mga bakla.

“Katulad ng nasabi ko sa ’yo nu’ng Unkabogaball, ang saya-saya ko na merong isang bakla na nandoon sa tuktok na never pang naabot ng anyone from our community because of this harsh world,” sabi pa ng vlogger.

Nang mabasa ni Vice ang post ni AC ay agad itong nag-message ng, “I love you.”

Sharon may pa-tribute sa b-day ni Kiko: I love you even if we’re best frenemies…with all my wawa heart!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AC Bonifacio payag bang mag-audition sa Korea para maging K-Pop idol?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending