Pia Wurtzbach pumalag sa mga tanong kung kailan magbubuntis: I find these questions so personal | Bandera

Pia Wurtzbach pumalag sa mga tanong kung kailan magbubuntis: I find these questions so personal

Therese Arceo |June 27,2023
facebook
share this

Pia Wurtzbach pumalag sa mga tanong kung kailan magbubuntis: I find these questions so personal

Therese Arceo - June 27, 2023 - 11:26 PM

Pia Wurtzbach pumalag sa mga tanong kung kailan magbubuntis: I find these questions so personal
SINAGOT ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang isang netizen na sinabihan silang magkaroon na ng anak ng asawang si Jeremy Jauncey.

Sa isang Instagram post ng asawa ng actress-beauty queen kung saan makikitang magkasama sila sa larawan ay isang netizen ang nag-comment ukol sa pagsisimula ng dalawa ng pamilya.

“Guys mag-anak na kayo,” saad ng netizen kay Pia at Jeremy.

Isang netizen naman ang sumagot at sinabing tila buntis na raw ang beauty queen.

“I think Pia [is] already pregnant. See, she [doesn’t] drink alcohol na,” reply ng isang netizen.

Agad namang sumagot ang beauty queen sa dalawa.

“Guys, please stop assuming like this. It’s not nice,” saad ni Pia.

Dagdag pa nito, “Nao-offend mga ininom kong margarita.”

Baka Bet Mo: True ba, Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey 3 lang ang inimbitang bisita sa kanilang beach wedding, anyare?!

Maging sa kanyang Instagram story ay sinagot niya ang tanong kung kailan nila balak mag-anak ni Jeremy.

Ani Pia, madalas raw niyang matanggap ang tanong kung kailan niya balak mag-anak sa tuwing magsasagawa siya ng “Ask Me Anything” segment sa kaniyang social media accounts.

Dapat raw ay itigil na ng mga tao ang pagtatanong hindi lang sa celebrity na tulad niya maging sa mga ordinaryong tao ang mga ganitong uri ng tanong.

“I guess I’ll start with this because literally every 4 questions I get, there’s one question about us having kids.

Noon daw ay ang tanong kay Pia ay kung kailan ito magpapakasal o mag-aasawa. Ngayon naman daw ay ang pagkakaroon ng anak ang inuusisa sa kanya.

“Honestly I find these questions so personal.. I wonder why this is considered a normal thing to ask though?” sey ng beauty queen.

Matatandaang nitong March 2023 nang ikasal sina Pia at Jeremy ngunit nitong May lang nang ianunsyo nila ang pag-iisang dibdib sa publiko.

Related Chika:
Pia nalusutan ang ‘family feud’ dahil kay Jeremy: Buti na lang nandoon siya at kinaya ko naman

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia Wurtzbach nagbabala sa netizens laban sa mga scammers: Protect yourself and your online security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending