Cristine ibinandera ang pagmamahal kay Marco: 'Parang perfect boyfriend siya' | Bandera

Cristine ibinandera ang pagmamahal kay Marco: ‘Parang perfect boyfriend siya’

Ervin Santiago |June 26,2023
facebook
share this

Cristine ibinandera ang pagmamahal kay Marco: ‘Parang perfect boyfriend siya’

Ervin Santiago - June 26, 2023 - 07:07 AM

Cristine ibinandera ang pagmamahal kay Marco: 'Parang perfect boyfriend siya'

Cristine Reyes at Marco Gumabao

AMINADO ang aktres at celebrity mommy na si Cristine Reyes na first time siyang nagdyowa ng mas bata sa kanya.

In fairness, marami ang nagsasabi na kahit 34 na si Cristine ay hindi naman siya alangang maging girlfriend ng 28-year-old hunk actor na si Marco Gumabao.

Sa katunayan, halos lahat ay nagsasabing bagay na bagay sila at wish ng kanilang mga tagasuporta na sana’y natagpuan na nga nila ang “forever” sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Amina Klenk Amirul ☪️✝️ (@cristinereyes)


Sumabak ang celebrity couple sa lie-detector challenge na mapapanood sa YouTube vlog ni Bea Alonzo at dito nga nagkaaminan ang magdyowa tungkol sa ilang detalye ng kanilang love story.

Ayon kay Cristine, kahit six years ang agwat ng edad nila ng binata ay mature naman ang pag-iisip nito at mga pananaw sa buhay na isa sa mga nagustuhan niyang quality ng aktor.

“Perfect boyfriend. Parang perfect boyfriend ito, e. Kasi si Marco, naiintindihan niya lahat. Parang hindi ako makapaniwala at his age.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

“Super cute talaga. Tisoy, type ko, pero bagets. So ako, hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon. Talagang ang cute niya, bye!” rebelasyon ng aktres.

Nag-start daw siyang makaramdam ng something para kay Marco nang magpunta sila sa Ilocos at mag-lock-in shoot para sa pelikulang “Martyr or Murderer.”

“May mga ipina-plant siyang seeds through the years. Lagi lang kaming nagtatagpo, like random places, family affairs, friends affairs, showbiz affairs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Imperial Gumabao (@gumabaomarco)


“So, ang daming chance talaga na lagi kaming nagtatagpo. Pero late last year, Jake Cuenca, kaming tatlo, bonding kami (sa gym). Until si Jake, nag-lock-in sa Cebu.

“Kaming dalawa ni Marco, kami na lang yung nag-workout. I think nagkaroon ako ng attraction kay Marco, siguro yung Ilocos. Naka-lock-in kami doon,” ani Cristine.

Inamin naman ni Marco na nakipag-date din siya noon sa mas older sa kanya, “Siguro, nasa mga two years lang (agwat ng edad), ito na ‘yung pinakaano na…pero ‘yung mga five years and above, wala pa.”

Ayon pa sa aktor, dati na niyang crush si Cristine, sa katunayan kapag natatanong siya kung sino ang female celebrity crush niya, ang palagi niyang binabanggit ay ang name ni Cristine.

Samantala, maligayang-maligaya raw ngayon si Cristine sa piling ni Marco, “Ako, I’m happy with our relationship. Kasi wala tayong inagrabiyado and alam mo ‘yon, du’n magpo-flow ‘yung blessing ni God.”

Tinanong naman ni Marco si Cristine, “Do you see me as someone you will spend the rest of your life with?” Na sinagot ng aktres ng, “Puwede, yes.”

Ikinasal si Crsitine kay Ali Khatibi noong 2016 at naghiwalay noong 2018. Nabiyayaan sila ng isang anak, si Amarah.

Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending