JC napasok na ang Switzerland dahil sa lakas ng JC barley products | Bandera

JC napasok na ang Switzerland dahil sa lakas ng JC barley products

Jan Escosio |June 25,2023
facebook
share this

JC napasok na ang Switzerland dahil sa lakas ng JC barley products

Jan Escosio - June 25, 2023 - 07:28 PM
JC Premiere napasok na ang Switzerland dahil sa lakas ng JC barley products

MABIBILI na ngayon ang world-class health products ng JC Premiere sa Switzerland.

Ito’y dahil nagbukas na ang JC Switzerland Business Center, na pag-aari ni Lorena Laurel-Grospietsh, sa Bremgartnerstrasse 24, Dietikon, Switzerland.

Ngayon masusubukan at mapapatunayan na ng mga Swiss ang premium JC health and wellness products, tulad ng JC Organic Barley, gayundin ang  Calvit C, Omnifit, KIND Skin Care, JC Goodleaf Ashitaba Coffee, KPads, at Coppermask.

Itinatag ang JC Premiere nina Filipino partners Jonathan So at Carl Macadangdang noong 2006 at patuloy nilang dinidiskubre at pinalalakas ang potensyal ng mga top-quality ingredients upang makabuo ng mga de-kalidad na produkto.

Sinimulan at nakilala ang kompaniya sa tinatawag na “progressive system of commissions,” na nagsisilbing daan para sa maganda at masaganang buhay ng kanilang mga kliyente.

Bumisita pa si So sa Switzerland at nakaharap ang ilang franchisees, na kanyang binahagihan ng mga “inspirational and success stories” ng kanilang franchise partners.

Bukod sa Switzerland, malawak na rin ang pagtangkilik ng JC Premiere products sa Taiwan, Singapore, Dubai, Abu Dhabi, Qatar, at Italy.

May business centers na rin ang kompaniya sa Canada, Malaysia, at Switzerland, kayat laganap na ang pagtangkilik sa kanilang mga produkto sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

At para lubos na malaman at makilala ang JC Premiere at kanilang mga produkto, maaring bisitahin ang www.jcshop.ph.

DonBelle fans niregaluhan ng bonggang billboards sina Donny at Belle sa US, Korea at Switzerland

JC Premiere nagbukas ng business shop sa Canada dahil sa lakas ng JC Organic Barley products

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending