Buboy Villar ibinandera kung paano natulungan ni Marian Rivera: Marami akong natutunan sa kanya | Bandera

Buboy Villar ibinandera kung paano natulungan ni Marian Rivera: Marami akong natutunan sa kanya

Therese Arceo |June 24,2023
facebook
share this

Buboy Villar ibinandera kung paano natulungan ni Marian Rivera: Marami akong natutunan sa kanya

Therese Arceo - June 24, 2023 - 01:46 PM

Buboy Villar ibinandera kung paano natulungan ni Marian Rivera: Marami ako natutunan sa kaniya

BINALIKAN ng aktor at komedyanteng si Buboy Villar ang mga panahong noong naging sidekick siya ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa kanyang naging interview sa Sparkle, naikuwento niya na talagang hindi siya itinuring na ibang tao ng kanyang Ate Marian.

“Actually, hindi lang sa [pagiging] artista, pati sa pagiging bunso. Naramdaman ko kasi sa kaniya na bunsong kapatid niya ako. Ate ko talaga si Marian,” pagbabahagi ni Buboy.

Inilahad rin ng bagong “Eat Bulaga” host na malaki ang naitulong sa kanya ng Kapuso Primetime Queen.

“Malaki naitulong ni Ate Marian sa akin, hindi lang sa larangan ng pag-aartista kundi sa buhay, ‘no? Kasi, naramdaman ko kay Ate Yan-Yan na bunso niya ako, ate ko siya,” saad ni Buboy.

Dagdag pa niya, “Marami ako natutunan sa kaniya pagdating sa respeto sa mga nakakatanda, kung paano gawin ‘yung trabaho. Huwag mapressure sa lahat ng bagay.”

Baka Bet Mo: Jose Manalo ibinuking si Buboy Villar: Tumawag sa akin, umiiyak talaga

Hindi naman kaila sa publiko na talagang kinakaaliwan ang komedyante dahil sa kanyang energy at hindi mapapantayang kulit at pagiging funny kaya marami rin ang tumatangkilik rito maski sa telebisyon at sa mundo ng vlogging.

Chika pa ni Buboy, isa si Marian sa mga dahilan kung bakit hindi siya nahihiya at confident siya sa harap ng kamera.

“Pagdating sa confidence, isa si Ate Yan-Yan na nag-boost sa akin para mailabas ‘yung confidence na yan.

“So malaki talaga tulong ni Ate Yan-Yan talaga, tsaka gusto ko lang sabihin na kahit mag-kumare kami, Ate Yan-Yan ko pa rin siya,” sey ni Buboy.

Matatandaang nagkasama ang dalawa sa maraming Kapuso teleserye gaya ng “Darna”, “Dyesebel”, at “Amaya”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Buboy Villar sa bonggang transformation ni Herlene Budol: Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!

Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending