Jennica Garcia namroblema sa birthday wish ng anak, naghahanap ng kabayo? | Bandera

Jennica Garcia namroblema sa birthday wish ng anak, naghahanap ng kabayo?

Therese Arceo - June 21, 2023 - 09:21 PM

Jennica Garcia namroblema sa birthday wish ng anak, naghahanap ng kabayo
HUMIHINGI ng tulong ang “Dirty Linen” star na si Jennica Garcia sa mga kapwa parents online.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang dalawang anak na sina Athena at Alessi kalakip ang kanyang “happy problem”.

Kuwento ni Jennica, nais raw mag-celebrate ng kanyang bunsong anak na si Alessi ng kanyang birthday kasama ang mga kaklase nito sa eskwelahan.

Sa katunayan, may theme na ring gusto ang anak at dito na nga nagsimula ang kanyang “problema”.

PARENTS, I NEED YOUR HELP. My youngest child wants to celebrate her birthday in school… Spirits animation movie ang gusto niyang theme,” pagbabahagi ni Jennica.

At ang mga sumunod na sinabi ng aktres nga ang siyang kinaaliwan ng mga netizens.

“Namomroblema ako sa KABAYO. Gusto mo yun mhie? Sana raw may kabayo sa school. PAANO? Hahahaha!” sey ni Jennica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)

Baka Bet Mo: Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: ‘Dumating sa point na naka-schedule sa doktor kung kailan ako iiyak’

Dito na nga nanghingi ng tulong si Jennica sa mga maaaring rekomendasyon kung saan siya pwedeng makakuha ng kabayo.

“Palapag naman sa comments ng mga go to Children’s Party Shops po ninyo para makapag-inquire po ako. Thank you very much parents! Yakap,” sabi pa ng aktres.

Ang tinutukoy ni Jennica na theme ng birthday party ng anak ay hango sa computer-animated adventure film na “Spirit Untamed” na ipinalabas noong 2021.

Marami naman ang nag-comment at nagbigay ng suggestion sa aktres.

“Baka pwede mahiram muna yung kabayo ni Meme Vice sa bahay nya,” saad ni Jolina Magdangal.

Comment naman ng isa ring mommy, “Maybe settle with a stuffed horse muna sa school party then you can bring her somewhere na pede sya mangabayo some other day pra hnd ka masyado mamroblema s kabayo s school. Baka kasi hnd dn safe na may totoong kabayo s school, in consideration sa ibang kids. Just a thought.”

Sey naman ng isa, “Sa blog ni @beaalonzo nung birthday party ng pamangkin nya, may safari animals. Maybe the supplier also has a horse or something.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jennica Garcia never sisiraan ang estranged husband: Mahal ko rin po kasi talaga ‘yung family ni Alwyn

Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending