Jennica Garcia never sisiraan ang estranged husband: Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn | Bandera

Jennica Garcia never sisiraan ang estranged husband: Mahal ko rin po kasi talaga ‘yung family ni Alwyn

Therese Arceo |June 01,2023
facebook
share this

Jennica Garcia never sisiraan ang estranged husband: Mahal ko rin po kasi talaga ‘yung family ni Alwyn

Therese Arceo - June 01, 2023 - 04:51 PM

Jennica Garcia never sisiraan ang estranged husband: Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn

INAMIN ng aktres na si Jennica Garcia kung bakit nga ba tikom ang kanyang bibig kapag napag-uusapan ang kanyang pakikipaghiwalay sa asawang si Alwyn Uytingco.

Sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay”, nabanggit ni Regine Velasquez na marami ang humahanga sa kanya dahil sa kabila ng paghihiwalay nila ng asawa ay hindi ito nagbabato ng masasakit na salita laban dito kaya naman curious siya kung bakit never itong nagsalita against Alwyn.

“Alam ko po [na] iniisip ng marami dahil mayroon akong anak na dalawa and totoo naman po ‘yun. Siyempre ayokong makarinig ‘yung mga anak ko ng hindi maganda patungkol sa tatay nila,” saad ni Jennica.

Ngunit para sa aktres 50% lang ito ng tunay na rason kung bakit pinipili niyang huwag magsalita ng negatibo laban sa dating asawa.

“Mahal na mahal ko po kasi ‘yung family ni Alwyn. Talagang mahal ko po ‘yung mama niya, yung mga kapatid niya so alam ko po na kapag mayroon akong nasabi, magiging apektado sila,” pag-amin ni Jennica.

Jennica IG

Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Aniya pa, “Tsaka kahit na nandoon tayo sa natapos ‘yung pagsasama naming dalawa, masyadong marami kaming pinagdaanan na maganda ni Alwyn para pag-isipan ko siya ng masama.”

Talaga namang sinaluduhan si Jennica ng mga hosts ng “Magandang Buhay” hosts dahil sa kabutihan ng puso nito.

“Nakakaiyak ‘yung kabutihan ng puso mo. Sana all,” papuri ni Melai.

At maging mga netizens ay talagang humanga sa kabaitan ni Jennica.

“Ganun talaga pag mahal mo ang isang tao – hindi man nya na asawa ung dati nyang asawa – sa puso nya ay mahal nya ung taong iyon – plus mahal nya ung mga anak nya at mahal nya rin ang relatives ng dati nyang asawa – Ang galing pagka pagmamahal ang naghahari sa puso ng tao. Ang sarap sa pakiramdam ng ganun – SANA ALL NGA!” komento ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Napaka matured mag isip,simple,pinatibay ng panahun,laban jennica,,we love you,more projects to come.”

“Eto lng ang ex napaka ganda ng heart at napaka open minded,” sey pa ng isa.

Sa ngayon ay mapapanood si Jennica sa Kapamilya teleserye na “Dirty Linen”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jennica Garcia hindi magbabago ang tingin sa pamilya ni Alwyn Uytingco kahit hiwalay na sila

Jennica Garcia ipinaliwanag ang viral post na walang aircon: ‘Ilang beses na po nasisira kaya hindi ko na po pinaayos’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending