Alwyn gagawin ang lahat para magkabalikan sila ni Jennica: Kahit ikamatay ko pa... | Bandera

Alwyn gagawin ang lahat para magkabalikan sila ni Jennica: Kahit ikamatay ko pa…

Reggee Bonoan |June 16,2021
facebook
share this

Alwyn gagawin ang lahat para magkabalikan sila ni Jennica: Kahit ikamatay ko pa…

Reggee Bonoan - June 16, 2021 - 05:54 PM

PALAGING nagdarasal at umaasa pa rin si Alwyn Uytingco na darating ang araw na magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng asawang si Jennica Garcia.

Muling idinaan ng aktor sa Instagram ang mensahe niya para sa nakahiway na misis, dito nga niya sinabi na handa siyang harapin ang lahat ng pagsubok basta’t magkabalikan lamang sila ni Jennica.

“Araw-araw, ito ang magiging dasal ko. Ito ang kakapitan ko. Ito ang papangarapin ko. Ito ang aasahan ko. Na balang araw, maging maayos na ang lahat. 

“Alam ko hindi magiging madali alam ko marami ang kailangan harapin. 

“Pero mas pipiliin kong tawirin ang tulay na ‘to, kahit ikamatay ko, susubukin ko dahil alam ko na ikaw (at mga anak natin) ang sasalubong sa ’kin sa dulo,” ang madamdaming pahayag ni Alwyn kalakip ang larawan nilang mag-asawa kasama ang dalawa nilang anak na sina Athena Mori at Alessi.

Dalawang oras pa lang ang nakararaan pagkatapos itong i-post ni Alwyn ngayong hapon sa kanyang IG ay umabot na kaagad sa mahigit 10,000 ang nag-like rito at kulang-kulang 600 naman ang nag-iwan ng komento gamit ang heart emojis.

Matatandaang nag-post si Alwyn four days ago ng larawan ng asawang si Jennica na may hawak na pumpon ng rosas at sunflower kung saan inihayag nito ang buong pusong pagmamahal sa ina ng dalawa niyang anak.

Marami kaming nabasang positibong komento sa post na ito ni Alwyn na umaasang magkakaayos silang mag-asawa pero may mga hindi rin gustong magsama na sila dahil nga sinaktan ng aktor ang aktres.

Pero ang post ng mother-in-law ni Alwyn na si Jean Garcia ang tumatak sa netizens kung saan sinabi nito na kung hindi na maganda ang relasyon ng dalawang taong nagsasama, mas mabuti pang maghiwalay na.

Sabi ni Jean, “You can love someone with all your heart, but if they’re not going to be a good person for you, in your life… Then it’s time to just say goodbye.”

Maraming sumang-ayon sa post na ito ni Jean at sabi pa nga ng iba ay “mother knows best” kaya dapat daw itong pakinggan ng kanyang anak.

May mga nagsabi naman na kung sincere si Alwyn sa mga sinasabi niya sa asawa ay mas magandang sabihin niya ito ng personal o private message kaysa idinadaan sa social media.

Sabi nga ni @freiyah8894, “Sana sinabi mo ‘yan sa kanya kahit thru message or call lang, rather than post it.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo naman ni @czarigirl, “give it him the chance to express to the world what he feels for. @jennicauytingco, sigurado naman na naparating nya kay jennica ang laman ng puso nya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending