Allan K nanindigan para sa TVJ, umaming inalok din ng malaking talent fee para manatili sa 'Eat Bulaga': 'Hindi kami traydor!' | Bandera

Allan K nanindigan para sa TVJ, umaming inalok din ng malaking talent fee para manatili sa ‘Eat Bulaga’: ‘Hindi kami traydor!’

Ervin Santiago - June 21, 2023 - 07:49 AM

Allan K nanindigan para sa TVJ, umaming inalok din ng malaking talent fee para manatili sa 'Eat Bulaga': 'Hindi kami traydor!'

Ang original Dabarkads at ang mga executive ng TV5

ISA ang veteran comedian at TV host na si Allan K sa mga inalok ng TAPE Incorporated upang manatili sa “Eat Bulaga“.

Kinumpirma ito ng komedyante kasabay ng pag-amin na malaking halaga ang in-offer sa kanya ng mga producer ng “Eat Bulaga” pati na kina Jose Manalo, Wally Bayola at Maine Mendoza.

Balitang ang unang napag-usapan, mananatili sa show ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, at sina Allan K, Jose at Wally at sisipain na sina Paollo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon at si Maine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon kay Allan K, nalaman nila ang tungkol sa tsugihan portion sa naganap na general meeting noong February, 2023, base sa panayam sa kanya ni Julius Babao na mapapanood sa YouTube channel nito.

“Ina-announce na ang i-retain ay ano, e, Jose, Wally, Allan. Tapos yun na, nagkagulo-gulo na. Hanggang sa ang dami nang negotiations na nangyari. Nag-usap-usap din kami.

“Alam mo, ang haba na kasi nu’n, e, February, March, April, May. So, ang dami pang haka-haka sa loob, every day. ‘So, ano na mangyayari sa atin? Hanggang kailan tayo?’

Baka Bet Mo: Wally pinatunayan ang loyalty kina Tito, Vic & Joey, never tatraydurin ang Dabarkads: ‘Kung saan ang TVJ, du’n ako’

“Nu’ng April, status quo. Nung May din, satus quo. ‘Hanggang kailan kaya ang status quo?’” pahayag ng komedyante.

Iniisip daw nila kung paano sila idedepensa at ipaglalaban ng kanilang tatay-tatayan na si Tony Tuviera o Mr. T, ang dating CEO at presidente at CEO ng TAPE.

“Paanong ipagtatanggol, e, siya din dinemote din nang husto? From president to consultant na lang, e,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pag-amin ni Allan, humingi sila nina Jose at Wally sa TAPE ng panahon para pag-isipan ang alok sa kanila, “Although miniting kaming tatlo, we were offered this much. Sabi namin, ‘Hindi naman po ganu’n kadaling magdesisyon. Can you give us time?’”

Inamin din ni Allan na mas malaki ang offer sa kanila, “Oo. Doble. Pero yung meeting na yun, kinuwento din namin sa lahat. Hindi kami traydor.”

Yung tungkol naman kay Maine, “Nu’ng pangalawang meeting, sinali na siya. Kasali na siya du’n sa ‘double your price.’”

Pero nanaig pa rin kina Allan, Wally at Jose ang loyalty at pagmamahal sa TVJ, “Nakita namin yung pain nila, hurt nila, at yung drive nila na, ‘One for all, all for one tayo. Na tumayo tayo bilang isang buong pamilya. Na hindi tayo matitibag.’ And we held on to that. Nilaban nila kami talaga.”

Vice inalok na tumakbo sa Eleksyon 2022: Naloka ako! Ipapahamak ko ang Pilipinas!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruby nangungulila sa mga Dabarkads; may hugot para kina Jose at Wally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending