COVID-19 positivity rate sa bansa patuloy ang pagbaba – Octa Research
MULA sa 10.3 percent, bumaba na ng 8.6 percent ang COVID-19 positivity rate o ‘yung bilang ng mga nahahawaan ng virus sa bansa, as of June 18.
Ang datos ay nagmula mismo sa report ng independent pandemic monitor na Octa Research na kung saan ang mga naitalang bagong kaso ng virus ay umabot ng 726.
Ngunit kahit malaki na ang ibinaba ng positivity rate sa ating bansa, lagpas pa rin ito sa itinakdang benchmark ng World Health Organization (WHO) na below 5%.
Samantala, ayon sa tweet ni Octa Research fellow Guido David, dahil patuloy ang pagbaba ng positivity rate sa bansa ay tinatayang aabot na lamang sa 400 hanggang 500 ang mga bagong kaso pagdating ng June 19.
“June 18 2023 DOH reported 726 new cases, 0 deaths, 870 recoveries 8861 active cases. 8.6% 7-day positivity rate. 158 cases in NCR. Projecting 400-500 new cases on 6.19.23,” caption sa isang Twitter post.
Baka Bet Mo: 3 suspek na may kasong estafa pinaghahanap sa E. Visayas, may alok na P1.5-M pabuya
June 18 2023 DOH reported 726 new cases, 0 deaths, 870 recoveries 8861 active cases. 8.6% 7-day positivity rate. 158 cases in NCR. Projecting 400-500 new cases on 6.19.23 #COVID19 #covid @dzbb @DZAR1026 @ali_sotto @dwiz882 @AthenaImperial_ @allangatus @wengsalvacion pic.twitter.com/lr3h8Cdn4K
— Dr. Guido David (@iamguidodavid) June 18, 2023
Kasunod niyan ay ibinalita rin ni David na bumaba na rin ang pagkalat ng virus sa maraming probinsya sa Luzon, kabilang na riyan ang Metro Manila, Rizal at Bulacan na bumaba na sa below 10%.
Ngunit nakikitaan pa rin nila na may mataas pa rin na mga kaso ng sakit ang Palawan at Pangasinan.
Lahad sa post, “Covid 7-day testing positivity rates decreased in most provinces in Luzon as of June 17.”
“Palawan and Pangasinan had upticks in positivity rate. In NCR, Rizal and Bulacan, the positivity rates decreased below 10%,” ani pa ni David.
Covid 7-day testing positivity rates decreased in most provinces in Luzon as of June 17. Palawan and Pangasinan had upticks in positivity rate. In NCR, Rizal and Bulacan, the positivity rates decreased below 10%. #covid19 @dzbb @DZAR1026 @ali_sotto pic.twitter.com/MhaiDj8A2j
— Dr. Guido David (@iamguidodavid) June 19, 2023
Base sa latest report ng Department of Health (DOH), ang ating bansa ay may kabuuang 8,861 active infections o patuloy pa ring nagpapagaling laban sa virus.
Read more:
Vice inatake ng matinding anxiety dahil sa mataas na hairline: Pero ngayon, wala na akong pake!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.