3 suspek na may kasong estafa pinaghahanap sa E. Visayas, may alok na P1.5-M pabuya
NANAWAGAN ng tulong sa publiko ang mga opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group sa Eastern Visayas (CIDG-8).
Ito ay para sa anumang impormasyon na makatutulong sa pag-aresto ng tatlong taong akusado ng estafa.
Kinilala ang mga suspek na sina Ormoc City-based businesswoman Michelle Go-Chu, at ang mag-asawang Lorenzo at Jerlyn Baltonado.
Naniniwala ang pulisya na ang tatlo ay nagtatago sa Cebu.
Ayon sa CIDG, may alok na P1.5 million cash reward para sa impormasyon na magdudulot ng pag-aresto sa mga suspek.
Baka Bet Mo: Sunshine Dizon nahaharap sa kasong estafa
Noong May 15, naglabas ng warrant of arrest si Judge Ruben Fermin Altubar ng Regional Trial Court Branch 28 sa Toledo City, Cebu laban sa mga suspek.
At ‘yan ay walang piyansa na inirekomenda.
Sa isang online press conference, sinabi ni CIDG-8 officer-in-charge Lt. Col. Arwin Tadeo na pinuntahan nila ang tirahan ni Go-Chu sa Ormoc City upang isilbi ang warrant, ngunit hindi nila ito natagpuan doon.
“For now, we are consolidating a sensible amount of information to determine the whereabouts of Michelle Go-Chu,” sey ni Tadeo.
Dagadag pa niya, “We have to use our detective efforts to make sure that when we serve the warrant, we would really arrest the subject.”
Base naman sa records ng Bureau of Immigration (BI), nasa bansa pa rin si Go-Chu.
Ang mga isinampang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng isa pang negosyante na si Kaiser Tan na nabiktima ng investment scam sa halagang P200 million.
Ayon kay Tan, nag-invest siya sa isang proyekto na hindi naman pala nag-eexist.
Kwento pa niya, nagtiwala siya sa tatlo dahil ang mag-asawa ay kilalang contractor sa Ormoc City, habang si Go-Chu naman ay chief finance officer ng isang kumpanyang pang-motorsiklo.
Read more:
‘Babala ng CIA with BA’ sa mga Marites: ‘Pwede silang makulong!’
James Arthur, Alok naglabas ng collab song, magpapaindak sa dance single na ‘Work With My Love’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.