Angeli Pangilinan umamin: 'Hindi madaling maging asawa ni Gary' | Bandera

Angeli Pangilinan umamin: ‘Hindi madaling maging asawa ni Gary’

Ervin Santiago - June 18, 2023 - 08:35 AM

Angeli Pangilinan umamin: 'Hindi madaling maging asawa ni Gary'

Gary Valenciano at Angeli Pangilinan

NAGPAKATOTOO ang talent manager na si Angeli Pangilinan nang ilarawan ang asawang si Mr. Pure Energy Gary Valenciano bilang asawa.

Naging emosyonal ang celebrity couple nang mapag-usapan ang tungkol sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa sa nakarang episode ng morning talk show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay.”

Bilang bahagi ng Father’s Day celebration na sumabay din sa 40th anniversary ni Gary sa entertainment industry, nagbigay ng mensahe si Angeli para sa kanyang hubby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gary Valenciano (@garyvalenciano)


Ayon kay Angeli, “He is the most wonderful father. We complete each other because his strengths are my weaknesses and his weaknesses are my strengths. And he just makes so much time for the children.”

Nagpasalamat din siya kay Gary sa lahat ng ginawa nitong pagsasakripisyo sa kanilang pagsasama at pagtanggap sa kanyang pagkatao sa kabila ng kanyang kakulangan.

Baka Bet Mo: Coco Martin todo ang pasasalamat kay Gary V: Kung alam n’yo lang, sobrang mahal na mahal ko kayo!

“I am not the easiest person to… Gary said, ‘You know, Angeli, you’re always right. But sometimes you say it at the wrong time. When you say something at the wrong time, it makes it wrong.’ I’m sorry for all my wrong timings,” pahayag pa ni Angeli.

“It’s not been easy. Hindi madali maging asawa ni Gary,” mariin pa niyang sabi.

Ayon naman kay Gary, ang kanyang asawa ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na tumitibok ang kanyang puso.

“Itong heartbeat na ito, hindi ko alam kung hanggang kelan ito titibok. Pero ikaw ang dahilan kung bakit up to now… she’s the reason why this heart is still beating,” ang sabi ng Kapamilya singer-TV host.

Nag-sorry din siya sa asawa sa lahat ng nagawa niyang pagkakamali at sa mga pagkakataong nasaktan niya ang feeling nito. Lagi rin niyang ipinagdarasal na magkasama pa sila nang matagal na matagal na panahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gary Valenciano (@garyvalenciano)


“Thank you, hon, for being the blessing that you are to me. I have not been able to share this publicly but I’m shedding tears kasi tama yung sinabi ni Angeli kanina.

“It’s not always sweet. Minsan it’s very spicy, minsan it’s sour, minsan it’s bitter. But it is all part of the mix,” umiiyak pang sabi ni Gary V habana nakatitig sa kanyang asawa.

Matatandaang ilang beses na nalagay sa peligro ang buhay ng singer-songwriter dahil sa kanyang kalusugan dahil sa diabetes.

Noong May, 2018, sumailalim siya sa emergency open heart surgery matapos madiskubre ng mga doktor na may problema siya sa kanyang left anterior descending artery.

Noong taon ding iyon ay ma-diagnose rin siya ng kidney cancer. Sa isang panayam, naikuwento rin niya na noong 14 years old siya ay may doktor na nagsabing tatagal lamang ang buhay niya hanggang 44.

“When I was diagnosed when I was 14 years old, the doctor told my mother, ‘Mrs. Valenciano, a type 1 diabetic is given an average lifespan of 30 years from the day of diagnosis.’ I was 14. So if you do the math, I should’ve died at around 44. Or maybe I got to 48, but with eyesight problems nerve endings, and all,” aniya.

Derek Ramsay ‘semi-retired’ na sa showbiz; Alden Richards hinarana, pinakilig ang mga Cebuano

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gary, Angeli nagbabala sa mga nambu-bully kay Gab sa socmed: Pease stop bashing our son, God bless you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending