LIST: Mga proud single dad sa showbiz & their kids

Paolo Ballesteros, Vhong Navarro, Piolo Pascual, at kanilang mga anak

Paolo Ballesteros, Vhong Navarro, Piolo Pascual, at kanilang mga anak

“STRUGGLE is real” talaga ang pagiging daddy, kaya paano pa kung mag-isa ka na lang na nagtataguyod sa pamilya? Paano kaya ito magagampanan lalo na’t may showbiz career ka ring inaalala?

Mahirap man mag-manage ng oras habang nakabalandra sa camera, ngunit hindi sila magpapahuli sa pagbibigay ng ligaya at pagmamahal sa kanilang mga cute na anak.

Sa darating na Father’s Day, bida ang ilan sa mga sikat na personalidad na loud and proud maging single dad at nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng tatay out there.

1. ALBERT MARTINEZ

Albert, Alyanna, Alfonso, at Alissa Martinez

Hindi man inaasahan, ngunit naging single parent ang aktor na si Albert Martinez matapos mamayapa ang kanyang loving wife na si Liezl sa cancer noong 2015. Mayroon silang tatlong anak na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa na ngayo’y happily married na.

“I became more responsible. Being a father really gives you a more purposeful way of looking at life, and makes you more success-driven in order to provide a better future for your family,” saad nito sa isang interview.

“I worked so hard and missed them so much,” nabanggit niya sa vlog ni Vicki Belo, “Now ako bumabawi sa kanila. I cook for them every weekend.”

Super active ngayon ang multi-awarded actor sa iba’t ibang mga palabas katulad ng Kadenang Ginto (2018), The Iron Heart (2022), at Voltes V: Legacy (2023).

2. PAOLO BALLESTEROS

Paolo at Keira Claire Ballesteros

Isa sa mga kilalang single dad sa showbiz ay ang Eat Bulaga Dabarkad at ‘Drag Race Philippines’ host na si Paolo Ballesteros.

Nakaka-amaze ang pagiging tatay nito sa kanyang anak na si Keira Claire na kasalukuyang 14 years old na. Kahit jampacked ang schedule ni Paolo, naglalaan pa rin siya ng bonding time para masubaybayan ang milestones ng anak.

Sa mga nakaraang interviews nito, napag-usapan ni Paolo ang mga challenges na kinaharap niya bilang solo parent, isang taon makalipas ipanganak si Keira.

Bilang tatay, very open si Paolo kay Keira pati na rin sa kanyang sexual orientation. Ang quality time nila ay pagbili ng mga damit para sa unica hija, pag-make up, at panonood ng American show na RuPaul’s Drag Race magkasama.

Noong 7 years old na si Keira, super proud siya nang makuha ng kanyang tatay ang ‘Best Actor Award’ para sa lead role nito sa pelikulang Die Beautiful.

“Congratulations, Daddy, on your new movie, Die Beautiful, for Best Actor! I love you, I miss you! Mwah!” sey ni Keira.

Ganun din ang support level na binibigay ni Paolo kay Keira nang makagraduate ito with honors sa elementary.

“Congrats anak! I love you [heart emoji] berigood,” sey ng TV host.

3. WOWIE DE GUZMAN

Wowie at Raff de Guzman

Ang dancer-actor na si Wowie De Guzman ay sumikat bilang ‘Christian’ sa hit 90’s TV show na Mara Clara kasama ang veteran actress na si Judy Ann Santos bilang on-screen partner nito.

Maagang na-byudo ang dating UMD dancer nang sumakabilang-buhay ang misis na si Sherryl Ann Reyes isang buwan nang isilang ang kanilang adorable daughter na si Alexandra Rafealle “Raff” Camangyan noong 2014.

Sa kabila ng lahat, naging matatag na single daddy si Wowie at inaming “source of strength” niya ang kanyang prinsesa sa kabila ng pagsubok ng buhay.

“Mahirap talaga, kaya lang suwerte ko nandiyan ang anak ko, e.” wika nito sa isang interview.

4. MARVIN AGUSTIN

Marvin, Sebastian at Santiago Agustin

Cool at hands-on father naman ang isa pang mahusay na aktor at 90’s heartthrob na si Marvin Agustin sa kanyang kambal na anak na sina Sebastian at Santiago sa ex nitong si Tetet Dy.

Hindi man nagkatuluyan, maayos pa rin ang co-parenting status nila sa pagpapalaki ng mga anak.

Sa kanilang 15th birthday, nagbigay ng nakakaantig na mensahe ang aktor sa kanyang gwapong twins, “I don’t know what’s best for you boys, kasi ang buhay niyo ay laban niyo. Nandito lang ako sakaling meron kayong tanong o laban na kailangan niyo ako… Mahirap ang pinagdadaanan natin ngayon pero masaya ako sa maliliit na bagay na napagtatawanan at ikinaliligaya pa din natin.”

Sa dami ng businesses ni Marvin at sa mga ginagawang proyekto sa GMA, ginagawa niya ang kanyang best para maglaan ng panahon sa mga anak.

5. PIOLO PASCUAL

Piolo at Inigo Pascual

Very close ang relasyon ng mag-amang sina Piolo Pascual at Iñigo Pascual at proud silang ibandera ito sa buong mundo.

Ang unico hijo ni Piolo sa ex-girlfriend nitong si Donnabelle ay tumutunog na rin ang pangalan sa industriya dahil sa pagiging talented actor at singer-songwriter.

Ipinakita ni Piolo ang excitement sa anak nang maging parte ng Billboard Philippines Top 20 Charts ang hit single ni Iñigo na “Dahil Sa ‘Yo.”

“I’m so happy, grabe! This kind of milestone, it’s gonna go down the history books of the music industry.” saad niya sa isang interview.

Naibahagi ng hunk actor na single pa rin siya at hindi nagmamadali sa kanyang panayam kay Ogie Diaz.

 

6. PAULO AVELINO

Paulo at Ethan Akio Avelino

Isa sa mga kontrobersyal na ama ay si Paulo Avelino sa anak nila ni LJ Reyes na si Ethan Akio.

Sa isang interview, sinisigurado niya na may oras siyang nilalaan sa kanyang unico hijo.

“Sinisiguro ko na may oras ako kapag wala akong ginagawa, I try to spend most of the time [with my child]” aniya.

Last year, nagkaroon ng bonding moments ang mag-ama nang bumisita ang poging aktor sa New York kung saan naninirahan sila LJ matapos ang split-up nila ng ex-husband na si Paolo Contis.

Nagbigay rin nakakatuwang mensahe si Paolo sa kanyang kaloka-like son nang i-celebrate ang 12th birthday nito last year, “Birthday “King of power nap” Boi.”

 

7. VHONG NAVARRO

Vhong, Fredriek at Yce Navarro

Punong-puno ng pagmamahal ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro sa kanyang dalawang anak na sina Fredriek at Yce na halos parang ‘barkadahan’ na ang closeness nila sa isa’t isa.

Nasasandalan nila ang ama sa pagdating sa lahat ng bagay, kahit usaping pag-ibig man ‘yan, payo ni Vhong sa kanila, “Okay lang magmahal nang sobra, pero huwag ‘yong sobra na sa point na wala ng pagmamahal para sa sarili mo. Kailangan mong magtira ng pagmamahal para sa sarili mo.”

“Sobrang thankful ko na ikaw yung tipong tatay na pwede naming lapitan lagi,” ito ang mensahe ni Yce bilang tribute sa Father’s Day para sa aktor.

Para kay Vhong, isang karangalan ang pagiging tatay sa dalawa niyang binata nang maipagtapos niya ito ng pag-aaral sa kabila ng pandemya, “Masarap sa pakiramdam bilang magulang na makatapos ng pag-aaral ang anak nila. Maraming salamat @yceking sobrang nakaka proud ka!”

Sa kabila ng pagbabalanse sa trabaho at personal na buhay ay gagawin ng mga celebrity dads na ito ang lahat bilang haligi at ilaw ng tahanan para sa mga anak.

Sikat man o hindi, single dad o may partner, saludo sa lahat ng sakripisyo ng mga ama at tumatayong pudrakels ngayong Father’s Day mula sa BANDERA!

Related chika:

Like father, like son: Mga mag-amang parehong pinasok ang showbiz world

LIST: Cutest bonding moments ng celebrity dads at daughters

Read more...