Marvin Agustin tuloy ang negosyo kahit inireklamo; ititigil na ang pagde-deliver ng cochinillo | Bandera

Marvin Agustin tuloy ang negosyo kahit inireklamo; ititigil na ang pagde-deliver ng cochinillo

Ervin Santiago - January 03, 2022 - 06:53 PM

Marvin Agustin

NAGDESISYON ang actor-businessman na si Marvin Agustin na hindi muna sila tatanggap ng delivery orders para sa ibinebenta nilang cochinillo.

In fairness, hindi basta nagpatalo at nagpatumba si Marvin sa kinasangkutang kontrobersya nitong nagdaang holiday season matapos ireklamo ang kanyang cochinillo business.

May mga umorder kasi na hindi naging happy and satisfied sa mga nai-deliver sa kanilang cochinillo na ihahanda sana nila para sa Noche Buena.

Ilang customers ang nagsabing hindi malutong ang balat ng baboy na napunta sa kanya bukod pa sa sunog daw ang ibang bahagi ng balat pero hilaw pa ang laman.

Bukod dito, may nagreklamo rin na sobrang late nang dumating ang kanilang order kaya hindi nil ito nakain in time for Noche Buena.

Agad namang nag-issue ng public apology si Marvin sa lahat ng hindi na-satisfy na customers kasabay ng pangakong hindi na mauulit ang mga nangyari.

At pagsapit nga bisperas ng Bagong Taon, Dec. 31, nag-post uli si Marvin sa kanyang Instagram ng mensahe para ipaalam sa madlang pipol na tuloy pa rin ang pagbebenta nila ng cochinillo para sa selebrasyon ng New Year’s eve.

Narito ang laman ng IG post ng aktor, “Happy new year everyone. We live and we learn to fight another day. We are roasting now your COCHI orders.

“We have prepared and gave our all to make everything good. Enjoy the COCHI we all worked hard for to give you a delicious experience,” pahayag ng celebrity chef.

Pahabol pa niyang message sa lahat ng kanyang followers, “Moving forward, after this holiday. We will go back to our old-style of operations that we wont be able to arrange delivery anymore for our customers, as this is not our core competency.

“Our COCHI quality is best enjoyed straight from the oven, delivery conditions is something beyond our control.

“While other customers’ experiences of travelling as fas as Bataan and Batangas, having our COCHI reach to their addresses with quality they love and enjoy. That may not be the case for others.

“We give instructions what to do but we dont know what happens during the travel time,” lahad pa ng aktor.

“We thank you for your continued trust and support..God bless all of us! We wish everyone a peaceful, healthy and happy 2022!” ang pasasalamat naman niya sa kanyang mga loyal customers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)


https://bandera.inquirer.net/301639/payo-ni-ogie-kay-marvin-dapat-i-refund-niya-ang-bayad-ng-mga-na-disappoint-sa-cochinillo-niya
https://bandera.inquirer.net/301375/marvin-todo-sorry-sa-mga-customers-we-will-do-better

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending