Ogie Diaz handang mag-sorry kay Marvin: Kung sasabihin niyang na-offend siya...bakit hindi? | Bandera

Ogie Diaz handang mag-sorry kay Marvin: Kung sasabihin niyang na-offend siya…bakit hindi?

Reggee Bonoan |January 01,2022
facebook
share this

Ogie Diaz handang mag-sorry kay Marvin: Kung sasabihin niyang na-offend siya…bakit hindi?

Reggee Bonoan - January 01, 2022 - 05:13 PM

Ogie Diaz at Marvin Agustin

BINATI namin ng “Happy New Year” ang vlogger at talent manager na si Ogie Diaz nitong hapon ng Dec. 31 sabay pasalamat na rin dahil halos lahat ng nakukuha naming balita sa kanyang Showbiz Update YouTube channel ay nagte-trending dito sa BANDERA.

Tulad na nga lang ng isyung “cochinillo” ni Marvin Agustin na inireklamo ng mga nag-order dahil hindi satisfied sa mga nabili nila.

Pinatotohanan din naman ito ni Ogie dahil hindi rin daw siya nasarapan sa cochinillo ng aktor at nagbigay payo pa na i-refund o bumawi si Marvin sa mga customer na kaliwa’t kanan ang reklamo.                                                                                               
Sinagot kami ni Ogie, “Oo nga, eh. Ako na-bash nang husto pero keri lang, sanayan lang. Nag-reach out si Marvin sa akin.”

At bago maghatinggabi ng Dec. 31 ay in-upload na ang bagong episode ng Showbiz Update niya sa YT. Ipinakita sa video ang mga basher na hindi sumang-ayon sa sinabi ni Ogie na i-refund ni Marvin ang mga binayad.

“Nakakaloka ‘Nay (Ogie) ‘yung mga netizen hindi sumasang-ayon sa ‘yo!  ‘Yung iba galit bakit daw ire-refund, e nakain naman ‘yung cochinillo?” mataas ang tonong sabi ni Mama Loi na co-host ng komedyante at talent manager.

“E, pasensiya sorry po,” natawang bungad ni Ogie at pati si Mama Loi ay natawa rin.

Dagdag ni Ogie, “Ako naman ay nababasa ko naman po ‘yun at hindi po ako dapat ma-hurt kasi ganu’n naman talaga kapag sa social media nakasawsaw ang mga paa mo handa kang mabasa, handa kang maputikan.

“Ikinukunsidera ko naman po ‘yung inyong mga komento, natutuwa rin ako at na-appreciate ko ‘yung kanilang constructive criticism tungkol doon sa aking nasabi kay Marvin na ang suggestion ko ay kung kayang i-refund ni Marvin ‘yung mga umorder sa kanya.

“Kung 100 ‘yung umorder, e, ibalik mo ‘yung 100 na inorder nila, hindi naman po ganu’n. Ang akin lang Loi, suggestion ko lang naman. Di ba, may mga ganu’n na pag hindi nagustuhan, refundm Parang money back guarantee.

“Tama naman ‘yung iba na bakit pa ire-refund kung natikman naman kung baga ‘yung iba sabi, ‘hindi niya nagustuhan porke’t hindi niya nagustuhan kailangan balik ‘yung bayad?

“Depende nga ‘yun kay Marvin. So, kung gustong ibalik ni Marvin, e, di mas maganda, mas okay.  Kung ayaw ibalik, e, hindi rin naman para mag-rally tayo sa harap ng bahay ni Marvin at sundin natin ‘yung sinabi ni Ogie Diaz na i-refund.

“Suggestion lang ‘yung sa akin pero kung ayaw ni Marvin at gusto niyang balikan sila ‘uy patitikimin ko ulit kayo ng aking cochinillo bago na ito, e, di mas okay, di ba?

“Kasi may mga seller na (nagsasabing), ‘naku hindi n’yo po ba nagustuhan?  Sige po pakibalik na lang palitan namin ng bago,'” sabi pa ng vlogger.

Sabi pa ni Ogie na kung hindi nasarapan ‘yung iba, e, di i-shout na lang nila, pero may mga hindi nasarapan na hindi naman at tikom ang bibig.

“At the end of the day ay gusto ko pong humingi ng sorry kung feeling ninyo ako ay nagkamali ng aking opinyon, e, sorry po.

“Kasi at the end of the day ulit hindi ko naman mapi-please ang lahat, di ba? Merong umayon sa opinyon ko, meron ding hindi. Doon sa mga hindi nagkagusto sa aking opinyon, ‘I am sorry, ‘no (ginaya ang boses ng dating Presidente Gloria M. Arroyo).  Nag-a-apologize po ako sa inyo,” pagpapakumbaba ni Ogie.

Balik-tanong ni Mama Loi, “E, ‘Nay mag-a-apologize ka rin ba kay Marvin Agustin?”

“Kung sasabihin niyang na-offend ako, e, di magso-sorry ako kay Marvin bakit hindi? E, siyempre ang buhay ay ganu’n. Feeling mo nakasakit ka ng damdamin, e, di mag-sorry ka.

“’Yung iba naman, ‘hindi paninindigan itong aking opinyon!’  E, siyempre ayaw naman nating magkarga ng mga bagahe sa dibdib, so, sorry po sa lahat ng hindi nagkagusto sa aking opinyon, pero siyempre di ba, ang opinyon ko ay opinyon ko po baka may opinyon din naman ang iba na puwede rin naming kontrahin pero wala kaming magagawa kung opinyon din n’yo ‘yun,” katwiran ng talent manager at vlogger.

Dagdag naman ni Mama Loi na umusok ang cellphone ni Ogie sa walang tigil na tawag at mensahe na nagsabing sang-ayon sila sa opinyon nito at maraming gustong magpadala ng cochinillo sa kanya.

“Na-realize ko na baka sumakit ang batok ko. Natutuwa ako na alive na alive ang netizens at ina-appreciate ko po ‘yung constructive criticisms, ‘yung pong halos laitin na ako mula ulo hanggang paa wala naman akong magagawa social media n’yo ‘yan at gusto ninyong mag-comment, go lang po,” paliwanag pa ni Ogie.

Samantala, binanggit din na sa vlog nila ay open mag-comment ang lahat kahit pa masakit pero sana lang tama ang spelling ng cochinillo at alam kung ano ang topic na pinag-uusapan, hindi ‘yung may “mema” lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)

Marvin todo sorry sa mga customers: We will do better

Marvin naging waiter, janitor, bartender at mascot: Hindi mo malilimutan yung first love mo…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending