Bulkang Mayon posibleng ‘pumutok’ anumang oras, mga residente pinalilikas na
NAGBABALA na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng mapanganib na pagputok ng Bulkang Mayon sa probinsya ng Albay anumang oras.
Ito ay nakumpirma ng ahensya noong June 8 matapos makita ang tatlong “fast-moving avalanches” ng abo ng bulkan, mga bato at gas na tinatawag bilang “pyroclastic density currents (PDC).”
“There are increased chances of lava flows and hazardous PDCs … and of potential explosive activity within weeks or even days,” sey ng Phivolcs matapos itaas sa alert level three ang Mt. Mayon.
Base sa datos ng ahensya mula June 5 hanggang 8, nakapagtala sila 267 rockfall events at dalawang volcanic earthquakes.
Ito raw ay mas marami sa na-record nila noong June 1 hanggang 4.
Baka Bet Mo: 5 lady centenarians tumanggap ng P50k mula sa Albay LGU, may P100k pa sa gobyerno
Ipinaliwanag din ng Phivolcs volcano monitoring head na si Maria Antonia Bornas na maaaring may dalawang paraan ang pagputok ng bulkan.
Isa na raw riyan ay ‘yung tulad sa nangyari noong 2018 na kung saan mas marami ang rockfall events at kasunod niyan ay ‘yung magmatic eruptions at lava flow.
Ang ikalawang scenario naman, aniya, ay posibleng puro lava flow ang lumabas sa pagsabog.
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa nasabing probinsya, tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na binabantayan ng gobyerno ang mga aktibidad na nangyayari sa Mt. Mayon at Mt. Taal.
Bukod diyan, hinimok ng Phivolcs ang mga taong naninirahan sa “permanent danger zone” na agad nang lumikas dahil sa panganib ng pag-agos ng lava, rockfalls, at iba pang volcanic hazards.
Pati ang ilan pang aktibidad sa loob ng danger zone, gaya ng pagsasaka at recreational activities ay ipinagbabawal na rin.
Read more:
Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?
Juancho inaatake na ng nerbiyos: The pressure of being a father and husband is a lot
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.