Diego Loyzaga ganap na nga bang ama? | Bandera

Diego Loyzaga ganap na nga bang ama?

Reggee Bonoan |June 07,2023
facebook
share this

Diego Loyzaga ganap na nga bang ama?

Reggee Bonoan - June 07, 2023 - 05:29 PM

Diego Loyzaga ganap na nga bang ama?
“REBELASYON at pinagpipistahan, Diego Loyzaga proud tatay na?” ito ang teaser ng “Cristy Ferminute” kaninag tanghali sa programa nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM.

Bungad ni ‘Nay Cristy, “Bago po ang lahat mga kapatid mayroon po muna tayong napaka-espesyal na panauhin, ‘yung title ng pelikula nila ni Julia Barreto, ‘Will you be My Only Love’, pero ito iba, ‘Will You Be My Ex?’ Mga kapatid i-welcome po natin, Diego Loyzaga!”

Sundot ni Romel Chika,“Ay parang nawala raw yata si Diego sa ere.”

“Ay nawawala okay maaring may problema sa internet. Hindi bale marami pa tayong pagkukuwentuhan pa, i-clue n’yo lang kami pag nandiyan na,” kaswal na sabi ni ‘nay Cristy sa production team ng CFM.

Pero natapos na ang programang “Cristy Ferminute” ay hindi na nakapanayam si Diego.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)

 

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga hindi ipipilit ang pagpapakasal kahit makabuntis; titigil na sa paggawa ng matinding hubaran at sex scenes

May natanungan kaming taga-Viva na kaya mag-gi-guest ang aktor sa programa nina ‘Nay Cristy at Romel Chika ay para mag-promote sana ng pelikulang “Will You Be My Ex” nila ni Julia Barretto kasama si Bea Binene mula sa Viva Films at idinirek ni Real Florido na mapapanood sa mga sinehan sa Hunyo 21.

Pero tila umatras dahil nga sa teaser na ‘pinagpipistahan, Diego Loyzaga proud tatay na!

Hindi pa yata handang pag-usapan ito ng aktor dahil banner story din ito sa isang tabloid pero wala naman ang istorya sa loob kaya duda din ng aming kausap ay ito ang dahilan kung bakit hindi tumuloy si Diego sa CFM.

Matagal nang blind item ang aktor pero hindi ito mapangalanan bilang pakikisama rin sa pamilya niya dahil naging mabait naman ito sa media kaya’t hinayaang siya na lang sana ang magkuwento. At balitang sa ibang bansa naman nagsilang ang ina ng sinasabing anak ng aktor.

Anyway, wait natin bukas sa “Cristy Ferminute” baka matuloy na ang guesting ni Diego Loyzaga at nakapag-isip na siya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Julia todo puri kay Diego bilang leading man sa bago niyang movie: ‘He’s such a gentleman, he’s really kind’

Teresa Loyzaga emosyonal sa birthday message kay Diego: ‘Be kind, I’m so proud of you! I love you!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending