Imelda Papin nasaksihan ang pagkawala ni Nora Aunor: I was there
EMOSYONAL ang beteranang singer at dating Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin nang bumisita ito sa burol ng kaibigan at National Artist na si Nora Aunor.
Sa ibinahaging video ng ABS-CBN News, ibinahagi ng mang-aawit ang final moments kasama ang kaibigan.
“She is my idol, my kumadre, and sa lahat ng kaibigan niya ako ’yung isa sa nakaalam sa surgery niya,” naiiyak na sabi ni Imelda.
Dagdag pa niya, “We had a communication and after she texted me that she was okay at nagpapasalamat siya sa akin.”
Baka Bet Mo: Imelda Papin galit nga ba sa AKTOR PH nina Dingdong at Piolo?
Visualizza questo post su Instagram
Hindi pa nga rin makapaniwala si Imelda na pumanaw na si Nora.
“Hindi ako makapaniwala kasi we were talking, we were texting everyday tapos hindi ako makapaniwala na nawala siya kagabi,” lahad pa ng singer.
Ibinahagi rin ni Imelda na present siya sa mga huling oras ni Nora kasama ang mga anak nito.
“I was there na-witness ko po ’yung pagkawala niya kasama ’yung mga anak niya,” sabi pa niya.
Ibinandera pa ni Imelda kung gaano katalentado si Nora.
“Siya po ang hinangaan ng lahat ng Filipinos, when it comes to music, naging National Artist siya dahil sa larangan ng pagkanta, larangan ng pag-arte.
“Siya po ang number 1, wala pong makakatalo sa kanya. The one and only superstar,” sey pa ni Imelda.
Matatandaang marami ang nagulat matapos kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw nf nag-iisang Superstar ng Philippine entertainment industry.
Pumanaw siya noong Miyerkules, April 16, sa edad na 71.
Kasalukuyang nakaburol ang mga labi ni Ate Guy sa The Chapels sa Heritsge Park na bukas sa pubiliko para bisitahin.
Nakatakdang ilibing si Ate Guy sa Martes, April 22, sa Libingan ng mga Bayani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.