Franki Russell tinanong si Diego Loyzaga: Mahal mo ba ako? | Bandera

Franki Russell tinanong si Diego Loyzaga: Mahal mo ba ako?

Therese Arceo |October 08,2022
facebook
share this

Franki Russell tinanong si Diego Loyzaga: Mahal mo ba ako?

Therese Arceo - October 08, 2022 - 12:05 PM

Franki Russell tinanong si Diego Loyzaga: Mahal mo ba ako?

NOON pa man ay may “something” na sa pagitan ng aktor na si Diego Loyzaga at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Franki Russell.

Matatandaang noong Mayo 2022 ay ibinahagi ng sexy actress ang kanilang sweet photos sa Instagram bilang pagbati sa kaarawan ng aktor na agad niyang dinelete matapos ungkatin ng mga Marites sa social media.

At noong makapanayam nga ni Rico Robles sa kanyang radio show si Diego noong June 2022 ay inamin nitong nagdi-date sila ni Franki.

Ngunit makalipas ang ilang linggo ay napabalita naman ang pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa.

At sa muling pagkikita nina Franki at Diego para sa mediacon ng kanilang Vivamax movie na “Pabuya” ay muling naungkat ang relasyon nilang dalawa.

Amin ng aktres, mahalaga sa kanya ang aktor.

“The value of Diego to me, he has a big spot in my heart, sa puso ko. He’s someone na I trust, his mga advice,” pagbabahagi ni Franki.

Aniya, dahil rin daw sa matagal na ito sa showbiz industry ay talagang may tiwala siya rito at pinaniniwalaan niya lahat ng mga advice na ibinibigay nito sa kanya.

“[His] advice is genuine and I feel that he cares about me the way I care about him. And I’m very lucky that he’s my first leading man in my first movie sa Viva. So, very grateful for you Diego,” pagpapatuloy pa ni Franki.

Bagamat inamin ni Diego na nasa dating stage sila noon ng aktres ay mukhang hindi na ito nagtuloy kung pagbabasihan ang kanyang naging sagot.

“Uhm, I’m pretty sure it’s pretty well-known ‘coz we were public when we’re dating. So, I mean, it’s obvious that Franki and I share a deep relationship,” saad ni Diego.

“And I promised to her when I first met her, I’ll be that one guy… well, there might be another. But I promise that I’ll be a true friend for you in this industry. If there’s anything you ever need to know or wonder or think about, you can ask me,” dagdag pa niya.

Sinigurado naman ni Diego na palagi lang siyang nandyan para kay Franki sakaling kailanganin nito ng tulong.

“You can come to me and just ask with nothing in return pretty much. I’m just offering a friendship here,” sey ni Diego.

Samantala, kahit na mukhang hindi na nag-level up ang kanilang relasyon ay nananatili naman ang pagsuporta nina Franki at Diego sa isa’t isa.

“And so, it’s kinda, you know, resonated on the film because we weren’t, like, try not outshine one another or be better with one another,” sabi ni Diego.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)

“And so, I guess, like, yeah. Our friendship was seen on the screen and so that’s why, I guess, it was so easy to click because, yeah, we are that close to one another,” chika pa niya.

Para naman kay Franki, “We are just two people living life, working in this industry, and working hard on ourselves.

Hirit pa niya, “And, I care about you Diego. Mahal mo ba ako? Hahaha! Miss na kita, e.”

Ito ay mula sa isa sa mga linya ni Franki sa pelikula nila ni Diego na sinabi niya nang magkita sila ng binata makalipas ang anim na taon.

Related Chika:
Diego Loyzaga inaming nasa ‘dating’ stage na sila ni Franki Russell

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banat ni Diego sa netizen na nagsabing ‘mabilis magpalit’ ng dyowa: Same brief, isang taon ba dapat?

Diego Loyzaga, Franki Russel in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram ilang araw matapos umaming nagde-date

Pag-unfollow nina Diego Loyzaga at Franki Russell sa Instagram ‘it’s a prank’ lang, epektib daw sa ‘method acting’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending