Diego Loyzaga inaming nasa 'dating' stage na sila ni Franki Russell Bandera

Diego Loyzaga inaming nasa ‘dating’ stage na sila ni Franki Russell

Therese Arceo |June 07,2022
share this

Diego Loyzaga inaming nasa ‘dating’ stage na sila ni Franki Russell

Therese Arceo June 07, 2022 - 02:36 PM

Diego Loyzaga inaming nasa 'dating' stage na sila ni Franki Russell

TULUYAN nang inamin ng aktor na si Diego Loyzaga ang tunay na namamagitan sa kanila ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at aktres na si Franki Russell.

Marami na rin kasi ang kumakalat na chika patungkol sa kanilang dalawa lately na nagsimula nga noong batiin siya ng dalaga noong kaarawan niya last May 27.

Kaya naman ngayon ay hayagan nang inamin ni Diego kung ano nga ba ang relasyon nila ni Franki at para na rin matapos ang mga ibinabatong salita laban sa kanya.

“Honesty really is the best policy and something that I would like to tackle today because if there’s one thing… I mean, I can be called a lot of things but a liar? I’m not a liar. I don’t lie,” saad niya.

Maaari raw na paminsan ay magkakaroon siya ng “white lies” para protektahan ang taong mahal niya pero hindi raw siya nagsisinungaling.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)

 

Sa kanyang interview kay DJ Rico Robles ng Monster Radio RX 93.1 ay inihayag na nga ng aktor na nasa “dating” stage na sila ng dalaga.

“Well, you know what, I’m a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things, you don’t expect it eh. It just really comes along and ever since meeting up with her, hanging out with her, it hasn’t stopped. We really did click so I would definitely say that right now, we’re dating,” saad ni Diego.

Una raw niyang nakilala si Franki nang mag-guest sila sa game show ni Yassi Pressman na “Rolling In It”.

Pahayag niya, marami raw silang mga bagay na talaga namang pinagkakasunduan.

“We had so much in common, and so we were talking a lot and we were like, ‘We should catch up some time.’ It just so happened that I was going out of town so we caught up a lot of times before leaving town and I was like, you know what, I’m gonna take a shot in the dark here even though I said that I wanna stay single. I said, ‘Even as a friend. Hey, Ilocos as a friend’,” pagkukwento ni Diego.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)

Nagpunta raw sila ng Ilocos kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan at sa katunayan ay inimbita rin nito sina Diana Mackey na nakasama rin ni Franki sa “PBB” ngunit abala ito sa Binibining Pilipinas noon.

Sa naturang Ilocos trip daw talaga sila mas nagkakilalang dalawa at doon rin nakunan ang mga viral pictures nila sa social media.

Ikinuwento rin niya na napag-usapan raw nila ang naturang viral post at nagdesisyon daw si Franki na i-delete ito dahil hindi pa sila handa sa sasabihin ng publiko.

Ngunit tila handa na si Diego at maayos naman ang naging paghihiwalay nila ni Barbie kaya wala namang problema.

Related Chika:
Diego dyowa na raw si Franki Russel, netizens super react: Kaya Barbie please umiwas ka na, kawawa ka lang

Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Banat ni Diego sa netizen na nagsabing ‘mabilis magpalit’ ng dyowa: Same brief, isang taon ba dapat?

Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending