Banat ni Diego sa netizen na nagsabing 'mabilis magpalit' ng dyowa: Same brief, isang taon ba dapat? Bandera

Banat ni Diego sa netizen na nagsabing ‘mabilis magpalit’ ng dyowa: Same brief, isang taon ba dapat?

Therese Arceo |June 06,2022
share this

Banat ni Diego sa netizen na nagsabing ‘mabilis magpalit’ ng dyowa: Same brief, isang taon ba dapat?

Therese Arceo June 06, 2022 - 01:25 PM

Banat ni Diego sa netizen na nagsabing 'mabilis magpalit' ng dyowa: Same brief, isang taon ba dapat?

HINDI nakapagpigil ang aktor na si Diego Loyzaga at diretsahang sinagot ang isang netizen na pumupuna sa kanya.

Nag-comment kasi ang aktor sa latest Instagram post ng model at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Frank Russell.

“Real eyes realize pizza pie,” ito ang comment ni Diego sa post ng dalaga na may caption na “Real eyes realize real lies”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Franki Russell (@missfranki)

 

Marami sa mga netizens ang nakapansin sa comment ng binata kaya naman hindi nila naiwasan na magbigay komento sa aktor.

“Ang bilis magpalit ni Diego, parang damit lang,” comment ng netizen.

Nireplyan naman ito ng binata at sinabing “Alangan naman wag ako magpalit ng damit? Same brief, isang taon ba dapat? Butas butas na siguro brief mo tol.”

Isang netizen rin ang nag-comment patungkol sa pagde-deny ng aktor sa relasyon nila ni Franki.

“@diegoloyzaga baliw dineny mo nga. As friend lang kayo,” singit ng netizen.

Agad namang sinagot ng binata ang comment ng netizen.

“Anong gusto mo, kasal na kami?” sey ni Diego.

Matatandaang kumalat ang chika na may “something” sa pagitan ni Franki at Diego matapos kumalat ang sweet photos nilang magkasama na ipinost mismo sa account ng dalaga nang batiin nito ang aktor noong ika-27 birthday nito.

Matapos ang ilang minuto ay agad rin nitong binura ngunit naging maagap ang mga ‘Marites” at mabilis itong na-save at nai-post sa social media.

Pinabulaanan rin ng aktor ang balita sa kanyang naging panayam kay Dolly Anne Carvajal.

“Franki and I are not a thing,” sey ni Diego. “I just want to be single for now.”

Matatandaang nitong Pebrero 2022 nang kumpirmahin ni Barbie na tuluyan na silang naghiwalay ni Diego na nangyari noong Disyembre 2021, isang buwan matapos silang mag-celebrate ng kanilang anniversary.

Related Chika:
Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial

Jessy Mendiola sinagot ang pasaring na laos at walang projects

Gerald ibinuking ang reaksyon ni Julia sa ‘boxer briefs’ video; perfect 10 ang estado ng lovelife

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending