Gene Padilla sa ginagamit na apelyido: May authorization yun mula sa abogado
NILINAW ng komedyanteng si Gene Padilla ang isyu sa hindi nila paggamit ng tunay nilang apelyido na Baldivia.
Sa isang TikTok video ay mapapanood ang komedyante na sinasagot ang isyu tungkol sa paggamit nila ng Padilla kaysa sa Baldivia.
“Yung Dencio na yun ay nanggaling yun po sa pangalan ng kapatid niya which is Prudencio. Ginamit niya ‘yong Dencio pagkatapos mayroong artista noong araw na black and white pa, doon sa premiere production na nilagyan ng apelyido ginawang Padilla,” saad ni Gene.
Pagpapatuloy niya, “Nakilala hanggang mawala ang tatay ko na ang gamit po niya ay Dencio Padilla.”
Baka Bet Mo: Dennis Padilla ipinagtanggol ang utol: ‘Dear Gene, wala kang mali…salamat’
Visualizza questo post su Instagram
Chika pa ni Gene, ang paggamit nila sa apelyidong Padilla ay parte ng kanilang screen name.
“Okay, doon sa mga nagsasabi na hindi ako Padilla, actually lahat kami hindi Padilla.
“Dahil po ang tawag po dun ay ‘screen name’. Kaya Gene Padilla, Dennis Padilla. Oh heto pa isa po, kami po na magkapatid ay mayroong papeles na pinanghahawakan na ‘yong Gene Baldivia at Gene Padilla ay iisang tao po yan,” pagpapaliwanag pa niya.
May hawak rin daw silang legal na papeles sa paggamit ng naturang apelyido.
“Pwede po namin yan gamitin sa bangko, sa lahat ng legal na proseso, dokumento. Yung Gene Baldivia at Gene Padilla ay pwede kung gamitin dahil po meron pong authorization yun mula sa abogado. Same with Dennis at same with my tatay noong nabubuhay pa,” chika pa niya.
Marami naman ang nag-react sa naturang video na ni-repost ng user na si @yika.
“Ok sige Gene. Di ka pa rin invited.”
“E bakit may screen name si jennifer, di naman artista yon.”
“Gene Padilla, Patron Saint of All Uninvited Guests, please pray for yourself.”
“May papeles pero walang invitation.”
“Sila Gene pwedeng gumamit ng screen name pero yung mga anak ni Marjorie hindi?”
“Wala sigurong nag-iinterview kaya nag-live na lang.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.