Richard Gomez umaming may naka-date na athlete: ‘Ibang magmahal…pangmatagalan! Ha-hahaha!’
NAPAHIYAW si Bea Alonzo sa sagot ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez kung sino ang mas masarap magmahal – artista o athlete?
Sa ikatlong bahagi ng panayam ni Bea sa kongresista sa pamamagitan ng Lie Detector Test Challenge ay natanong ng aktres kung may naging karelasyon ang hubby ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez na kapwa niya athlete noong kabataan nito at inamin ngang meron.
“Mayroon ka na bang na-date na athlete?” tanong ng dalaga.
“Oo,” kaswal na sagot ni Goma.
View this post on Instagram
Sundot ni Bea, “Mas masarap bang magmahal ang mga athlete o mga artista?”
“Iba!” pilyong ngiting sagot ni Richard na ikinahiyaw ng aktres sabay takip ng bibig.
‘Paanong iba? Mas energetic?” tanong uli ni Bea.
“Ha-hahaha! Pangmatagalan! Ha-hahaha!” humahalakhak na sagot ng aktor.
Na-curious tuloy si Bea, “Sino kaya ‘yan? Ma-Google nga.”
Baka Bet Mo: Lucy Torres maraming natutunan nang magka-COVID si Goma: Para akong nanay niya…
Dagdag biro pa ni Goma, “Pagod ka na ba (tanong sa naka-date)? ‘Hindi pa, alas-kuwatro pa lang ng umaga.’ Ha-hahaha!”
Tawang-tawa ulit ang aktres na napapalakpak pa sabay kambyo, “Okay baka magalit si Ate Lucy.”
View this post on Instagram
Samantala, napag-usapan ang 25th year wedding anniversary nina Richard at Lucy at nagsimba lang daw sila at laking-gulat nilang mag-asawa dahil nagbabaan daw ang mga pari.
“Anniversary mass lang tapos during the mass ‘yung mga pari bumaba at binigyan kami ng renewal of vows (nagulat sila) sabi ko ‘bakit hindi mo (kay Lucy) sinabi sa akin sana man lang nagbihis ako ‘ Gindi rin daw niya alam, tinawag lang kami ng mga pari (sa harap ng altar). We’re not into big celebrating of (anniversaries) ah baka ‘yung 50th year namin (big celebration),” kuwento ni Richard.
Inaming minsan selosa raw si Mayor Lucy na hindi naman alam ni Goma kung sino ang pinagseselosan. Pero ang siniguro nito ay walang pinagselosang leading lady ang wifey niya.
Para maging successful ang marriage ay natanong ni Bea kung dapat ba submissive at may assertive, “Dapat give and take hindi puwedeng ikaw lang lagi ‘yung assertive.”
Ang sikreto ng magandang samahan nina Goma at Lucy bilang mag-asawa at payo na rin nito ay, “Very open ‘yung line of communication namin. Communication is very, very important.”
Samantala, ang nag-iisang anak nina Richard at Lucy na si Juliana Gomez na 23 years old na sa Setyembre 8 kaya ang tanong ni Bea kung binibigyan niya ng advice tungkol sa lovelife.
“Kung magtatanong, mas comfortable siyang kausap ang mommy niya sa mga ganu’ng bagay,” say ng guwapong daddy ng dalaga.
Mahigpit bang ama si Goma sa mga umaaligid kay Juliana? “Hindi naman, sinasabi ko lang na if may manliligaw sa ‘yo (papuntahin mo) sa bahay na lang para at least nakikita mo kung sino, di ba?” katwiran ng aktor at politiko.
Sobrang mahiyain daw si Juliana kaya hindi nito pinasok ang showbiz bagkus ay sa sports na lang ito nag-concentrate.
Naalalang kuwento raw ni Goma kay Bea noong gumawa sila ng pelikula na para hindi mapariwara ang anak ay dapat daw hikayatin ito sa sports dahil madidisiplina ito at magkakaroon ng courage sa lahat ng bagay.
View this post on Instagram
Nagmana ba si Juliana sa daddy Richard niya? “Physically siguro pero intellectual nagmana sa mommy niya. The mother is very smart, Juliana is also very smart.”
Hirit ni Bea, smart din naman ang naging leading man niya, “Hindi mas smart sila kaysa sa akin.”
Sino ang mas funny sa family? “Si Lucy is very funny,” nakangiting sabi ni Richard.
Hindi makapaniwala si Bea, “Really?”
“Oo, funny ‘yun. Super funny talaga. Ha-hahahaha!” pambubuking ng asawa ni mayora.
Balik-tanaw ni Goma na edad 32 siya nang yayain niyang pakasal si Lucy na edad 21 naman noon. Naging magkasintahan sila ng Setyembre at nag-propose siya ng December 1997 at ikinasal ng Abril 1998.
Chikang hiwalay na sina Richard Gomez at Lucy Torres fake news lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.