Richard, Lucy sinubukang makabuo ng isa pang baby: Siguro sabi ng Diyos, ‘tama na ’yan, pagtiyagaan n’yo na si Juliana
KINARIR naman daw ng power couple na sina Richard Gomez at Lucy Torres ang paggawa ng isa pang baby para mabigyan ng kapatid ang nag-iisa nilang anak na si Juliana.
Hanggang ngayon ay may mga nagtatanong pa ring mga fans kung bakit hindi na nila sinundan ever si Julianna na 21 years old na ngayon.
Sa guesting ng actor-politician sa nakaraang episode ng “Updated with Nelson Canlas” ng GMA 7, muli itong natanong kung bakit nga hindi na sila uli nagka-baby ng kanyang butihing misis na si Lucy Torres-Gomez.
“We tried. We tried so many times. Siguro we’re not fortunate lang to have another one.
“Parang siguro sinabi ng Diyos na, ‘tama na ’yan isa na muna, isa na lang, pagtiyagaan n’yo na si Juliana,’” pahayag ni Goma.
Pagpapatuloy pa ng kongresista, “Masaya naman kami kung kaming tatlo lang, ano lang kami tawa lang kami nang tawa.
“We talk about so many things in life, we talk about ano ba ’yong gusto naming gawin, ano ba ’yong future plans natin,” chika pa ng veteran actor.
“You know, it’s a small happy family. Kaya nga si Lucy kapag magkakasama kaming tatlo, sasabihin niya, ‘look at us, our small family.’ Tatlo lang kami, isang lamesa lang kami,” natatawa pang sabi ni Richard.
View this post on Instagram
Sa isang Instagram post ni Lucy, naibahagi niya ang isang eksena noong bata pa si Juliana, “When she was little, and we’d say our bedtime prayers together, I would ask her to help me pray for a baby brother or sister for her.
“She would listen intently, wide-eyed, nodding as if in agreement, then she would break into smile and say gently but firmly ‘Mama, dog nalang,’” post ni Lucy kalakip ang laughing emoji.
Aniya pa, “We’re really trying but it hasn’t happened yet. I’m at that point already when I feel that everything reall yis in God’s direction. Everything will happen in God’s plan and in God’s time.”
https://bandera.inquirer.net/287209/lucy-may-ibinubulong-kay-richard-kapag-uma-attend-ng-kasal-hala-tutulo-na-ang-luha-niyan
https://bandera.inquirer.net/291250/lucy-torres-maraming-natutunan-nang-magka-covid-si-goma-para-akong-nanay-niya
https://bandera.inquirer.net/294595/richard-nagsalita-na-kung-bakit-hindi-tatakbong-senador-si-lucy-sa-eleksyon-2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.