Richard Gomez aminadong mas gwapo kay Piolo Pascual, ilang beses niligawan ng mga babae: 'Cheap ako, eh!' | Bandera

Richard Gomez aminadong mas gwapo kay Piolo Pascual, ilang beses niligawan ng mga babae: ‘Cheap ako, eh!’

Reggee Bonoan |June 05,2023
facebook
share this

Richard Gomez aminadong mas gwapo kay Piolo Pascual, ilang beses niligawan ng mga babae: ‘Cheap ako, eh!’

Reggee Bonoan - June 05, 2023 - 09:29 AM

Richard Gomez aminadong mas gwapo kay Piolo Pascual; ilang beses niligawan ng mga babae

Richard Gomez at Bea Alonzo

“NAGSINUNGALING ka na ba sa buhay mo?” ang tanong ni Bea Alonzo kay Leyte 4th district Rep. Richard Gomez na kaagad niyang sinagot ng, “Oo naman!”

Ang kongresistang asawa ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez ang panauhin ni Bea sa kanyang “Lie Detector Test Challenge” na inaabangan lagi ng mahigit sa tatlong milyon niyang subscribers sa YouTube dahil maraming nadidiskubre mula sa mga artistang nakakapanayam niya.

Nagkasama sina Goma at Bea sa pelikulang “The Love Affair” kasama si Dawn Zulueta noong 2015 mula sa direksyon ni Nuel Naval under Star Cinema.

Inamin ni Cong. Richard na hindi pa niya naranasan ang lie detector test at out of curiosity kaya siya pumayag sa imbitasyon ni Bea.

“Gusto kong malaman kung lalabas na totoo ‘yung sinabi ko,” sambit nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)


Natanong siya kung sino ang puwedeng magmana ng titulong The Adonis of Philippine Cinema na ibinigay sa kanya noong kasikatan niya.

“Marami na sila ngayon. Hindi ko alam kung sino pero there’s a lot of guys na well built na mga bata, matangkad… marami sila,” sagot ng aktor-politiko.

Sinadya kayang hindi magbigay ng pangalan ni Richard para hindi ito pagmulan ng isyu lalo’t sabi nga niya ay maraming puwedeng tawaging Adonis of Philippine Cinema.

Sa kasalukuyan ay hindi na raw kumportable ngayon si Richard sa katawan niya, “When I was younger, yes!”

Baka Bet Mo: Richard Yap isa sa mga unang celeb na nagka-COVID: Sobrang hirap, there’s nothing I could do but pray…

Say naman ni Bea, “Ako kasi when I was younger sobrang insecure ako but now I’m older wala akong paki (natawa si Richard). I think we’re careless as we get older right?”

“Yes, doon nagkakaroon ng piece of mind when you are careless, wa pakels ka sa (ibang tao). Bahala ka sa buhay mo,” katwiran ni Goma.

“Oo, basta masaya ako. Ha-hahahaha!” tumawang sabi ng aktres sabay apir ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)


“Sino ang better actor, si Richard o si Aga Muhlach?” sabay pakita ni Bea ng picture ng huli sa kanyang tablet.

“Equal lang. Ha-hahahaha!” masayang sagot ng mambabatas na ikinatawa rin ni Bea.

Thumbs up ang sabi ng polygraph examiner na ibig sabihin ay tama ang sagot ni Richard.

Sa tanong kung sa tingin ni Goma ay mas guwapo siya kay Piolo Pascual na ang larawang kuha ay nakasakay sa bangka na may hawak na paddle. May ganitong kuha rin kasi si Richard sa Bench commercial na nagro-rowing.

Ang bilis ng sagot ng dating aktor na tumatawa, “Yes!”

Napapalakpak naman si Bea at sabay sabing, “Sorry Papa P!” habang tawa pa rin nang tawa si Chard. Thumbs up ulit ang nakuha nito.

Sa cast ng “Palibhasa Lalaki” ay ibinuking ni Richard na hindi raw siya ang pinakamatinik sa babae kundi sina John Estrada at Tsong Joey Marquez at saka sinabayan ulit ng tawa.

Sumang-ayon naman si Bea dahil nang nakatrabaho raw niya si John sa “A Beautiful Affair” series ilang taon na ngayon ang nakararaan ay marami itong kuwento sa kanya.

“Narinig ko rin ‘yung kuwento tungkol sa Be My Lady?” sabi pa ng dalaga.

“Ah, nasa Japan kami no’n for ASAP galing kami sa bar, ang ganda (Russian girl), ang ganda talaga, parang Barbie Doll, hayun nasama niya chill-chill lang drinking lang,” balik-tanaw ng BFF ni John.

Dagdag kuwento pa nito, “Nagka-cards kami tapos siya nasa phone kausap niya (Russian girl) sabi niya, ‘you know what just now I’ll compose a song for you’, so kilig-kilig naman sabi nu’ng girl, ‘a really, really?’

“’And it goes like this…’ so kami naman ni Anjo (Yllana) nakikinig sabay kanta ng Be My Lady ni John. Sabi namin, ang kapal ng mukha nito! Pero ‘yung babae tuwang-tuwa talaga, ‘oh, really you composed that song for me?’ Ang daling mambola ng babae pag gusto mo, eh, ‘no?” tumatawang kuwento ni Richard.

Tanong kaagad ni Bea, “Ikaw ba nambobola ka rin ng babae?”

“Hindi,” kaswal nitong sagot at thumbs up uli ang nakuha ni Goma mula sa polygraph examiner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)


Kinlaro rin ng aktor na siya ang nanliligaw sa babae pero naranasan na rin niyang ligawan ng babae.

“Naging kayo?” tanong ni Bea.

Medyo nautal si Richard at umoo multiple times (ibig sabihin lahat ng nanligaw sa kanya ay naging sila) na ikinatawa naman nang husto ni Bea.

Paano ba ligawan ang isang Richard Gomez?

“Dali lang, cheap ako, eh! Carefree ako nu’ng bata ako. Relax lang, ‘you like me?  I like you (too), you don’t like me, but I like you.’ Ha-hahaha!“ sabi ni Richard.

Itinanggi nitong nakipag-date siya sa mga fans at supporters niya. “Talaga kahit sa tour-tour ninyo?” tanong ng aktres.

“Hindi, kahit sa sports, hindi ko hinahalo ang kalokohan sa sports at sa mga fans,” diin ni Goma.

Lovelife hugot ni Bea: Flirting is already cheating, tapos kapag bumigay, e, ‘di affair na ‘yon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Padilla priority muna ang sarili bago magdyowa uli: Ako naman muna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending