Chikang hiwalay na sina Richard Gomez at Lucy Torres fake news lang | Bandera

Chikang hiwalay na sina Richard Gomez at Lucy Torres fake news lang

Reggee Bonoan |October 07,2022
facebook
share this

Chikang hiwalay na sina Richard Gomez at Lucy Torres fake news lang

Reggee Bonoan - October 07, 2022 - 05:42 PM

Chikang hiwalay na sina Richard Gomez at Lucy Torres fake news lang

Richard Gomez at Lucy Torres

KASALUKUYANG ipinagdiriwang ang 75th Charter Day of Ormoc Diamond Jubilee Celebration ngayon na tatakbo ng isang buwan kaya masaya ang mga residente dahil maraming artistang pumunta para mag-show.

Pinagtulungan ito ng mag-asawang Congressman Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

Perfect timing din na ma-klaro ang tsikang umano’y hiwalay na ang mag-asawang Goma at Lucy dahil sa mga panayam daw ni dating aktor ay hindi niya kasama ang asawa at parating ang anak nilang si Julianna Gomez ang laging kasama nito.

Naitanong namin ito sa taong malapit kay cong Richard, “ha, ha, ha kaloka ang isyu. E, magkasama lang sila ni Lucy sa Bench Fashion show last weekend? Natural hindi sila magkasama sa mga interviews ni Goma kasi nasa Ormoc parati si Lucy, siya mayor, eh.”

Lukang-luka ang kausap namin dahil sobrang imposible raw ang isyung maghihiwalay dahil sobrang in love nang dalawa sa isa’t isa at nagsususportahan sa kanilang mga propesyon.

Dagdag pa, “at kaya laging kasama ni Goma si Julianna sa lahat ng interviews niya kasi siya ang Chief of Staff niya at dito rin siya nag-aaral sa Manila. Di ba nga sabi ni Goma parang interesado rin sa politics.”

Base sa ipinadalang mga video clip sa amin ay sina Rey Valera, Mr. Fu, Regine Tolentino, Kyle Echarri, El Gamma Penumbra, Lara Maigue, Gloc 9, Bailey May, Joey Generoso, Nina, James Deakin, Ian Veneracion, Ruffa Gutierrez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez-Alcasid.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)

 

* * *

Naka-tsikahan namin ang ilang suki naming sellers ng online shopping app kung apektado sila sa #boycotshopee dahil sa bagong endorser nitong si Toni Gonzaga-Soriano.

“Nu’ng una talagang nag-worry kami kasi siyempre di ba, grabe ‘yung mga taong galit kung anu-ano pino-posts, talagang nakakaba pero after two or three days, parang okay na ulit, ang dami na ulit naming orders, parang nag increase pa nga ng 15% nu’ng umingay si Toni.

“Inisip nga namin baka gimik, e, kasi imagine ilang araw na pinag-uusapan si Toni na binoykot pati tong Shopee. Ngayon back to work na,” sabi ng suki naming seller ng mga basahan na feeling namin ay ito rin ang binibilhan ni Marian Rivera at nakuwento niya na ito rin ang budol finds niya.

Halos ganito rin ang katwiran sa amin ng suki namin sa pet products, powerbanks supplier, beauty products, milk at iba pa. Feeling nila ay gimik nga raw ito.

Oo nga, hanggang ngayon ay dedma pa rin si Toni G sa mga pinagsasabi ng tao sa kanya tungkol sa cancel culture na katwiran niya ay nagta-trabaho lang siya at kinuha lang siya bilang endorser kaya tinanggap niya.

Makailang beses naman naming kinontak at hiningan ng official statement ang publicity officer ng naturang shopping app tungkol kay Toni G pero hindi kami sinasagot.

Bagkus ay nagpapasalamat sila sa mga tulong sa kanila at tuloy pa rin ang promote nila ng better deals mula sa mga kilalang brands!

Related Chika:
Richard Gomez nagsalita na kung bakit hindi tatakbong senador si Lucy sa Eleksyon 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lucy Torres maraming natutunan nang magka-COVID si Goma: Para akong nanay niya…

Lucy kay Goma: Alam mo, kaming mga asawa nakakaamoy ng mga aswang…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending