Romantic date nina Dominic Roque, Bea Alonzo trending

Romantic date nina Dominic Roque, Bea Alonzo trending, tanong ng netizens: ‘OMG! Proposal na ba ito?’

Pauline del Rosario - June 05, 2023 - 01:48 PM

Romantic date nina Dominic Roque, Bea Alonzo trending, tanong ng netizens: ‘OMG! Proposal na ba ito?’

PHOTO: Instagram/@dominicroque

MARAMING netizens ang kinilig at nakiusyoso sa latest social media post ng aktor na si Dominic Roque.

Makikita sa Instagram ang ilang litrato na kung saan ay sweet na sweet na nagkaroon ng romantic date by the beach sina Dom at dyowa na aktres na si Bea Alonzo.

Pa-misteryoso rin ang IG caption ni Dominic na ang nilagay lamang ay finger hearts emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tila nabigla naman ang ilang fans at mababasa sa comment section ang mga tanong kung nag-propose na nga ba si Dominic kay Bea.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo nag-beg off sa pelikulang ‘A Special Memory’ na pagbibidahan sana nila ni Alden Richards

Narito ang mga nabasang naming komento:

“Wait, why does it look like a proposal? Omg!!!”

“Proposal naba ito?? OMG! [red heart emojis].”

“Ang sarap naman titigan nito, proposal na po ba? [smiling face with heart eyes].”

Kung maaalala noong nakaraang buwan lamang ay nagpasabog din ng kilig ang dalawa matapos i-flex sa social media ang ilang ganap nila habang nagbabakasyon sa California.

Ayon sa premyadong aktres, talagang sinisiguro nila ni Dom na nabibigyan nila ng quality time ang isa’t isa kahit pa gaano sila ka-busy sa kani-kanilang respective career.

Sey pa ng Kapuso star, talagang sinusulit niya ang bawat minuto at oras ng bawat Sunday na dumarating.

‘Yan ay para raw makabawi sa kanyang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay, kabilang na nga riyan ang kanyang pinakamamahal na poging dyowa.

Matatandaan noong August 2021 nang kinumpirma ni Bea ang tunay na relasyon nila ni Dom.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim shookt nang mapansin ni Yuna ng K-pop group na ITZY: Like OMG! I cannot breathe!

#Anyare: Relasyong Bea Alonzo-Dominic Roque pang-Instagram lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending