Pag-aaral: Award-winning actor Idris Elba itinanghal na ‘World’s Favorite Celebrity Accents’
KAHIT sa showbiz industry, hindi maiiwasang mapansin ang iba’t-ibang wika, tono, boses at gawi ng pananalita ng isang aktor.
Bukod sa mahalaga ito sa pakikipagkomunikasyon, dito natin nakikita ang pinanggalingan, pagkakakilanlan at kinagisnan ng isang artista.
At dahil iba-ibang klase ang naririnig nating “accent,” lalo na sa international films ay naisip mo na ba kung kaninong boses ang iyong nagustuhan?
May bagong pag-aaral diyan ang language experts ng WordTips at gamit lamang ang Twitter ay natuklasan nila kung aling boses ng artista ang pinakapaborito sa buong mundo.
Ang nanguna sa kanilang listahan ng “World’s Favorite Celebrity Accents” ay ang award-winning English actor na si Idris Elba na may positivity rate na 77.7%.
Baka Bet Mo: Coco, Julia ‘nilalanggam’ sa Japan, ‘HHWW’ pa habang rumarampa na walang takip ang mukha
Ang itinanghal na top female accent at nasa ikalawang pwesto ng pag-aaral ay ang international singer na si Adele mula sa North London.
Bukod sa dalawa, labing-tatlo na mga celebrity rin na mula sa United Kingdom ang pasok sa Top 20.
Kabilang na riyan sina James McAvoy, Emma Watson, Liam Payne, Cheryl Cole at Harry Styles.
Ang tanging mga Amerikano na nakasama sa listahan ay sina Matthew McConaughey at Britney Spears.
Maaaring makita ang kumpletong listahan ng “World’s Favorite Celebrity Accents” sa ibinanderang litrato mula sa WordTips.
Ayon sa WordTips, gumamit sila ng tinatawag na “Hugging Face” AI algorithm upang suriin ang ilang tweets na pinag-uusapan ang iba’t-ibang accents mula sa Amerika, UK at 104 na iba pang bansa sa buong mundo.
Ang nasabing analysis ay nabuo matapos kumalap ng mahigit 500,000 Twitter post at ang data ay sinuri noong nakaraang Pebrero.
Related Chika:
Gigi de Lana hindi naniniwala sa pag-inom ng salabat para maalagaan ang boses
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.