'English Only Policy' sa Pamantasan ng Cabuyao binatikos

‘English Only Policy’ sa Pamantasan ng Cabuyao binatikos: Nakakapika kayo!

Ervin Santiago - February 04, 2025 - 10:10 AM

'English Only Policy' sa Pamantasan ng Cabuyao binatikos: Nakakapika kayo!

Stock Photo

IBA’T IBA ang reaksyon ng mga Pinoy sa viral announcement ng isang  pamantasan sa Cabuyao, Laguna tungkol sa ipinatutupad nilang “English Only Policy“.

Ipinag-utos ng Pamantasan ng Cabuyao ang paggamit ng wikang Ingles a lahat ng transaksyon sa kanilang school – sa pasalita o pasulat na paraan ng komunikasyon.

Narito ang official announcement ng Pamantasan ng Cabuyao na naka-post sa kanilang Facebook page.

“To uphold academic excellence and global competitiveness, Pamantasan ng Cabuyao (University of Cabuyao) will enforce the ENGLISH ONLY POLICY starting February 3, 2025.

“Effective on this date, all official transactions, classes, and interactions within the university must be conducted exclusively in English, both in written and spoken communication.

Baka Bet Mo: Resto sa Tagaytay barag na barag sa pet lovers; ‘sorry’ hindi raw sincere

“This policy applies to students, faculty, staff, and all university personnel to cultivate a strong English-speaking environment.

“We encourage everyone to fully support this initiative as we strive to produce globally competent graduates.

“Strict compliance is required.

“Thank you for your cooperation,” ang nakasaad sa buong caption ng FB post.

Mababasa naman sa ipinost nilang art card na isinusulong nila ang “English Only Policy” para sa katuparan ng kanilang vision na magkaroon ng “globally competitive” at “world class students”.

Ang naturang art card ay mula sa OIC-President ng pamantasan na si Librado Dimaunahan.

Isa sa mga unang nagkomento sa pagiging “English Speaking Campus” ng naturang pamantasan ang manunulat na si Jerry Gracio, dating commissioner ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Aniya, “Eto na naman tayo, nakakapika kayo.”

Ayon naman sa propesor at manunulat ding si Ferdinand Pisigan Jarin, “Meron pa rin talagang academics na naniwala sa mito na may superior na wika. Mga atrasado ang mind-set. Saka unconstitutional ito. Pakyu. Ayan, tunog-Ingles ‘yan, ha.”

Narito pa ang ilan sa mga nabasa naming reaksiyon mula sa netizens.

“Pakibago na rin po ang letterhead ninyo, wag na po kayo mahiya tanggalin na ninyo ang salitang Pamantasan ng Cabuyao para konsistent nasa ilalalim po ksi yung English. Kapag nagbaba po kayo ng language policy dapat pangatawanan ninyo. Di po ba?”

“Bakit ang UP hindi naman sila EOP pero globally competitive and world class ang students. Nakakalungkot.”

“Bakit paurong itong pamantasan na ito? HAAHHAAHAHA.”

“Bilang estudyanteng nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino—Hindi nakaka-global competetive kung sa sarili nating wika hirap nang intindihin ng mga mag-aaral kung ano ang sinasabi nila gamit ang wikang kinagisnan at nakasanayan. Pag-igihan muna sana natin ang paghasa sa mga mag-aaral at bawat kabataan na matutuhang maintindihan ang wikang filipino para sa gano’n ay maging malinaw ang komunikasyon sa bawat isa.”

“How does speaking ‘English’ makes you a globally competent person? Japan and other ‘globally competent nations’ were able to propel their economies kahit na hindi English ang gamit.. Kindly ‘rethink’ your policy dear educators/administrators.”

“Unahin na solusyunan ang mga isyu sa loob ng Pamantasan, imbis magkaroon ng utak-kolonyal na mga polisiya na hindi naman lubhang makakatulong sa progreso at kapakanan ng mga Dangal ng Bayan.”

Congratulations for this initiative. English is a global language for business and commerce.”

“Those are goods, when you graduate, you can immediately go to the call center industry.”

“Well, aminin natin kelangan talaga ang English lalo na sa pakikipag-usap sa ibang bansa.”

“Huwag niu n po i-bash.. Kahit po si Jose Rizal nag-aral ng ibang wika. Sapagkat alam niya ang kahalagahan nito…. Peace.”

“Okay lang yan mga ka dangal ng bayan kasi magagamit nyo din to in near future lalo ung mga need ng ielts, oet, etch magandang pundasyon yan guysss. Obey before you complain mga kapatid.”

“Na papa thankyou later kayo sa pnc guys kasi merong ganitong policy sa campus na pinang galingan nyo promise!!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The majority of citizens in three academically outstanding and globally competitive Asian countries—China, Japan, and South Korea—do not speak English. O baka dahil ang ambisyon lang natin sating mga graduates ay makapag call center o mag-caregiver sa abroad (no offense meant).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending