Coco, Julia 'nilalanggam' sa Japan, 'HHWW' pa habang rumarampa na walang takip ang mukha | Bandera

Coco, Julia ‘nilalanggam’ sa Japan, ‘HHWW’ pa habang rumarampa na walang takip ang mukha

Reggee Bonoan |November 29,2022
facebook
share this

Coco, Julia ‘nilalanggam’ sa Japan, ‘HHWW’ pa habang rumarampa na walang takip ang mukha

Reggee Bonoan - November 29, 2022 - 11:14 AM

Coco, Julia sweet na sweet sa Japan, 'HHWW' pa habang rumarampa na walang takip ang mukha

Coco Martin, Fumiya Sankai at Julia Montes

IBIBIGAY kayang “Pamasko” ni Coco Martin sa mga dadalong members ng entertainment press, vloggers at online writers sa mediacon ng pelikulang “Labyu with an Accent” ang pag-amin sa tunay nilang relasyon ni Julia Montes?

Kaya namin ito naitanong ay dahil bukod sa ipinost ni dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Fumiya Sankai ang larawan nilang tatlo nina Julia at Coco sa Japan ay maraming Pinoy din ang nakakita sa dalawa.

Base sa ipinakitang video sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika, makikitang naglalakad sina Coco at Julia sa isang kalye Japan na walang sout na facemask at magka-holding hands pa.

“Mga kachika alam na po natin ‘yung paglilimayon, paglilibot, pagpapasaya sa kanilang mga sarili nina Coco Martin at Julia Montes sa Japan.

“Anong pagkakaiba ‘yung dati nilang ginagawa rito kapag lumalabas sila ng probinsya?” tanong ni ‘Nay Cristy kay Romel Chika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


“Naku, kung inaakala nila na nasa abroad sila ay walang makakakitang mga kababayan natin (sandamakmak ang mga Pinoy, sabi ni ‘Nay Cristy), lalo na di ba? Nakita mo nu’ng lumabas (naglalakad) magka-holding hands sila kilalang-kilala kasi sila,” chika ni Romel.

Base sa video na ipinakita ay naglalakad ang CocoJuls na naka-jeans ang aktor with baseball cap at ang aktres naman ay nakaputing sneakers at nakasuot ng mahabang jacket. Sweet-sweetan ang rumored couple sa kanilang pamamasyal.

Say ng kilalang manunulat at host, “Ito ‘yung sinasabi ko na di ba dati pag pupunta sila ng Boracay, saradong-sarado ang kanilang (mukha), meron na silang takip sa bibig, may takip pa sa mata (naka-shades) at marami pang iba at hindi sila naglalapit.

“Pero nu’ng magpunta sila sa Japan lantaran na po talaga, nagtanggal sila ng facemask, nagho-holding hands na po sila sa isang pag-aakala na walang makakakilala sa kanila,” sabi ni Nay Cristy.

Reaksyon ni Romel, “Ay no! Lalong maraming Pilipino kaya nakita mo nag-viral lahat ang kanilang mga pictures.”

Say naman ni Wendell, “Hindi nila alam na kahit saang sulok sa Japan may Pinoy.”

Well, kung hindi pa handang umamin sina Coco at Julia ay okay lang sabi nga ni ‘Nay Cristy at kung gusto nila ng pribadong buhay.

Sabi naman ni Romel kung bakit hindi pa umaamin ang dalawa, “Siguro hinahayaan na lang nila kung ano ang gusto nating isipin basta sila nagkakaintindihan kasi nga sinabi na ni Julia Montes at ni Coco Martin na kung anong meron sinisira, kung anong wala binubuo.

“Kaya hayaan na natin sila, what you see is what you get. Kung magkasama kami, kami, kung hindi kami magkasama, hiwalay kami,” aniya.

Anyway, hindi naman din siguro makakaapekto sa “Labyu with an Accent” kung pag-usapan ang tungkol sa relasyon ng dalawa dahil hindi naman loveteam sina Coco at Jodi Sta. Maria na alam din ng lahat kung sino ang karelasyon nito ngayon.

Ang “Labyu with an Accent” ang official entry ng Star Cinema sa 2022 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa December 25 na idinirek nina Malu Sevilla at ng aktor mismo bilang si Rodel Nacianceno mula sa panulat Patrick Valencia.

Bukod kina Coco at Jodi, kasama rin sa movie sina Cavite City Councilor Nash Aguas, Rochelle Pangilinan, Manuel Chua, Marc Solis, John Medina, Jay Gonzaga, Rafael Rosell, Bassilyo, Nikki Valdez at Nova Villa.

O, ayarn…Kathryn, Daniel naglabas na ng ‘resibo’ para patunayang hindi naghiwalay; magka-date ngayon sa Japan

Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa dinaluhang birthday party; matagal na nga bang kasal?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending