Richard 3 babae ang minahal nang sabay-sabay; may isang role na pinagsisihan kung bakit niya ginawa…ano kaya yun?
ITO ang ikalawang bahagi ng aming artikulo rito sa BANDERA tungkol sa pagsabak ni Leyte 4th district Rep. Richard Gomez sa “Lie Detector Test Challenge” na mapapanood sa YouTube channel ni Bea Alonzo.
Maraming rebelasyon ang kongresista sa mga isinagot niya sa ilang tanong ni Bea, kabilang na ang pakikipagrelasyon niya noon sa ilang babaeng nanligaw sa kanya at ang pambubuking niya sa mga kaibigan niyang sina John Estrada at Joey Marquez.
Isa pa sa mga naitanong ni Bea kay Richard ay kung may pagkakataon bang nagsuplado siya sa fans, sagot ni Goma, “Siguro sa sobrang kulit. May mga taong sobrang kulit especially when you’re young madali kang ma-agitate, eh. Pero ngayon madali mo nang iwasan.
“Suplado talaga ako, dire-diretso ako wala akong nakikita pero I never say no to picture taking, tsaka uso pa noon ang mga fan mails sinasagutan namin ‘yun kasi sako-sako ang dumarating na fan mails kasi nagpapadala sila ng sulat, so, in return nagpapadala kami ng pictures na may sulat (pirma), ang dami no’n,” sey ni Goma.
View this post on Instagram
Namangha si Bea sa sinabi ni Richard na siya mismo ang sumasagot sa mga sulat na galing sa fans. Hindi na yata kasi na-experience ito ng aktres.
Samantala, inamin din ng hubby ni Mayor Lucy Torres-Gomez na nasubukan na nitong magmahal nang sabay.
“Yes, three pa nga. Ha-hahahaha!” ang natawang pag-amin ni Goma.
Hindi raw namili si Goma dahil isa-isa ring nawala ang mga babaeng ito.
Sa tanong ni Bea kung nag-artista si Lucy ay papayagan ba niyang may kissing scene, “Depende sa kanya, kasi si Dawn (Zulueta) was may girlfriend okay naman, si Sharon (Cuneta) okay din naman,” sabi pa ni Chard.
At pinapanood daw nito ang mga pelikula ng exes niya sabay sabing, “Nakapikit ang mata ko. Ha-hahaha!”
Sa tanong kung may karakter siyang ginawa na pinagsisihan niya, “Meron, Super Islaw (and the Flying Kids, 1986). Ha-hahaha!
“Kasi number one it didn’t make money, second very crude pa ‘yung special effects, dati nakahiga ka sa platform na ganu’n (muwestra) tapos iikot-ikot ka, balik-balik tapos ang lakas ng (electric) fan sa harap mo (para mahangin kasi lumilipad). E, ngayon may harness na,” sabi pa ni Goma.
At dito rin nalaman ng lahat na unang inalok pala kay Goma ang pelikulang “Scorpio Nights” na pinabasa pa raw sa kanya ang script at sinabi niyang “hindi ko kaya ito.”
View this post on Instagram
“Oo, ‘yung sumisilip-silip, ang ganda no’n, a very good production hindi ko kaya ‘yun, siyempre may pahubad-hubad ka pa, di ba?
“Tapos sabi ni Mother (Lily Monteverde), ‘bigay mo ito kay Richard kasi ayaw Gabby (Concepcion).’ Tinurn down ni Gabby kasi third wheel siya ro’n sa Inday Bote, (William Martinez at Maricel Soriano), e, ayaw niya kasi (leading man) na siya ni Sharon. E, nu’ng binasa ko ang script, sabi ko, ito gusto ko.
“Tapos gumagawa na ako ng kontrabida role, dark role tulad ng Wating at Dahas. ‘Yung role ko ro’n was intended for Tonton (Gutierrez), nag-switch kami no’n mas maraming days ‘yung ibinigay sa akin, sabi ko kay Tonton mas gusto ko ng kontrabida para iba, tapos kinausap namin si Mother na nag-usap na kami na magpapalit kami,” kuwento ng aktor-politiko.
Umaming may nakaaway na rin siyang direktor dahil alas-tres na ng madaling araw ay hindi pa tumitigil sa shoot, e, mainit na ulo niya dahil pagod at puyat na, pero never naman daw siyang nanuntok.
“Binuhat ko hollow blocks (sabay bagsak) durog kaya natakot din kami buti pack-up na. Okay na kami ni Direk, siguro dati dala ng kabataan,” pahayag ni Richard.
Pero natawa naman si Bea sa tanong niya kung may nasuntok nang artista si Goma at tumatawang inamin din na alam naman siguro ng lahat kung sino iyon.
Chikang hiwalay na sina Richard Gomez at Lucy Torres fake news lang
Payo ni Goma kay Juliana: Kung pipili ka ng boyfriend, huwag kang pumili na katulad ni Richard Gomez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.