Payo ni Goma kay Juliana: Kung pipili ka ng boyfriend, huwag kang pumili na katulad ni Richard Gomez | Bandera

Payo ni Goma kay Juliana: Kung pipili ka ng boyfriend, huwag kang pumili na katulad ni Richard Gomez

Ervin Santiago |September 18,2022
facebook
share this

Payo ni Goma kay Juliana: Kung pipili ka ng boyfriend, huwag kang pumili na katulad ni Richard Gomez

Ervin Santiago - September 18, 2022 - 02:25 PM

Richard Gomez at Juliana Gomez

MULA noon hanggang ngayon ay hindi nakikialam ang actor-politician na si Richard Gomez sa lovelife ng kanyang anak na si Juliana Gomez.

Ngunit ayon kay Goma, ang palaging advice niya sa nag-iisang anak nila ni Lucy Torres ay huwag daw magbo-boyfriend ng lalaking katulad niya.

“Kung pipili ka ng boyfriend, huwag kang pumili ng boyfriend na katulad ni Richard Gomez. 

“Kasi nu’ng bata ‘yun, babaero ‘yun, eh. Malapit yan sa babae. Ma-chicks ‘yun,” ang pahayag ng kongresista sa panayan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube.

Pero kasunod nito, pinaalalahanan din ng aktor na kung pipili naman ng mapapangasawa si Juliana, kailangang katulad niya.

View this post on Instagram

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezph)


“Kung mag-aasawa ka na, pumili ka ng lalaki na katulad naman ni Richard Gomez. Iba na siya. Matino na. Mas mabait na,” hirit ni Goma kay Juliana.

Isa pa sa palaging ipinaaalala ng mister ni Lucy sa anak ay maghinay-hinay lang pagdating sa pakikipagrelasyon at huwag munang tumodo at magseryoso. Basta mag-enjoy lang daw muna ang dalaga sa kanyang buhay.

Hindi rin daw siya yung tipo ng tatay na todo ang pagkilatis sa mga manliligaw ni Juliana. Hindi rin daw niya tinatakot o pinagbabantaan ang mga guys na pumoporma sa anak.

“Lahat ng umaakyat ng ligaw kay Juliana, kinakausap ko naman. Inaalam ko lang basic pero hindi ko sinasabi na, ‘O wag kang magloloko-loko rito’. Hindi ako ganu’n,” paliwanag ni Goma.

Sa ngayon ay tinatapos na ni Juliana ang pag-aaral sa college and she’s taking up Public Administration at the University of the Philippines sa Diliman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuloy din ang kanyang sports activitie, kabilang na riyan ang pagiging member ng fencing team ng kanilang university.

Lucy kay Goma: Alam mo, kaming mga asawa nakakaamoy ng mga aswang…

Lucy Torres maraming natutunan nang magka-COVID si Goma: Para akong nanay niya…

Vice ayaw nang patulan ang pagngawa ni Juliana Parizcova: ‘Kasi hindi naman siya ‘yung bina-blind item’

1 lang ang mananalo sa 2021 Misters of Filipinas pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending