Sigaw ng mga TVJ fans…iboykot ang ‘Eat Bulaga’; Paolo, Buboy, Betong, Mavy, Cassy ipinakilala na bilang mga bagong host
KASABAY nang muling pag-ere nang live sa GMA 7 ng longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga“, trending naman sa social media ang salitang “boykot.”
Marami ang tumutok sa pagsisimula ng bagong mukha ng “Eat Bulaga” pero agad din daw silang naglipat ng channel bilang suporta sa original hosts ng programa na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang Dabarkads.
Base sa mga nabasa naming reaksyon mula sa mga netizens, hindi nila masikmura na panoorin ngayon ang “Eat Bulaga” dahil sa ginawa ng TAPE Incorporated sa TVJ at sa iba pang hosts ng noontime show.
View this post on Instagram
Kaya naman matapang silang nanawagan sa lahat ng loyal fans ng “Eat Bulaga” na iboykot ang TAPE at ang bagong version ng programa.
May ilan pang netizens na nagsabing hindi rin nila susuportahan ang mga bagong host ng programa at tinawag pang “Fake Bulaga” ang show.
Sa pagsisimula ng live episode ng “Eat Bulaga” kaninang tanghali ay ipinakilala nga ang mga pumalit sa original Dabarkads, sa pangunguna nina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Mavy at Cassy Legaspi at ang girlfriend ni Zandro Marcos na si Alexa Miro.
Baka Bet Mo: Betong pinaiyak ni Alden habang nagla-live selling: Akala ko may nagti-trip lang sa ‘kin!
Kasama rin sa mga bagong host ng noontime show si Kokoy de Santos at ang Kapuso all-female group na XOXO.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa bagong version ng “Eat Bulaga” na halos lahat ay nega.
“Haha 4mins lang commercial break! Dati 15mins yan! Boycott!!!
“The only way to respond to these people is to BOYCOTT what they are putting up on TV as a ‘replacement’ for Eat Bulaga. In other words, just don’t watch it. TVJ built the popular program, so in their absence, it will no longer be the same. People will follow TVJ to their new home. It will test the claim by TAPE that TVJ leaving is not going to stop the world from spinning. Well, that’s true but it will stop TAPE from earning money.”
“Boycott anything created by TAPE Inc including their new Eat Bulaga. There is only one TVJ and they messed with them bad.”
“The new hosts of eat bulaga… most of them are comedians ,,,, this isn’t what eb is supposed to be for I MEAN no hate to them but the eat bulaga we all grew up with isn’t like this. boycott the new eat bulaga.”
View this post on Instagram
“Ang pagdungis sa karangalan ng #EatBulaga pangit pangit na bulaga! TVJ pa rin advertisers and sponsors.”
“Eat bulaga will not be the same without TVJ konting delikadesa mga Jalosjos at don’t use the name eb sa show at ang higut sa lahat ang corny ng pinalit nilang host at yung isa OA pa. BOYCOTT ang kapal di ba!”
“Tama dapat palitan nila ang pangalan ng eat bulaga. Kc Sa TVJ iyon. Pero Hindi na din ako manonood kc wala na mga idol ko. Na TVJ.”
“Hindi na masaya ang eat bulaga…i-boycott ang TAPE!”
“Goodluck kong tatangkilin kayo iba parin pag TVJ.”
“Mga Dabarkads, it’s boycott time! Payag ba kayo sa gustong mangyari ng mga Jalosjos (TAPE Inc.) na gagamitin parin nila ang Eat Bulaga na pangalan pero iba na ang mga host? Kami, big NO!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.