Betong pinaiyak ni Alden habang nagla-live selling: Akala ko may nagti-trip lang sa 'kin! | Bandera

Betong pinaiyak ni Alden habang nagla-live selling: Akala ko may nagti-trip lang sa ‘kin!

Ervin Santiago |September 27,2021
facebook
share this

Betong pinaiyak ni Alden habang nagla-live selling: Akala ko may nagti-trip lang sa ‘kin!

Ervin Santiago - September 27, 2021 - 06:36 PM

Alden Richards at Betong Sumaya

NAPAIYAK ang Kapuso TV host-comedian na si Betong Sumaya sa paandar na pasabog ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards habang nagla-live selling siya sa Facebook.

Ang buong akala kasi ng komedyante ay may nagti-trip lang sa kanya nang may mag-comment sa kanyang online live selling na nagpapanggap na si Alden. 

Nagbenta kasi si Betong ng mga gamit niya na hindi pa raw niya nabubuksan o naisusuot para kahit paano’y maging pera at magamit niya sa pagbili ng mga pangangailangan nila sa bahay.

At habang iniisa-isa nga niya ang mga items na kasama sa ipinagbibili niya ay may magtanong sa chat comment section na may user name na “RJ Richards.” 

Kaya naman sinagot agad ito ni  Betong at inusisa kung si Alden Richards ba talaga ang nagtatanong kung magkano ang ipinakikita niyang items.

Sa pagkalaalam daw kasi ng komedyante ay hindi pa sila “friend” ni Alden sa Facebook kaya hindi siya sigurado kung ang Pambansang Bae nga ang nag-post ng comment.

Nang magpakilala na nga ang Kapuso Drama Prince kay Betong ay sinabi nitong bibilhin niya ang ilan sa mga items na ibinebenta niya na nagkakahalaga ng P50,000.

“Yung for sale lang hindi bidding,” ang comment pa ni Alden. Dito na nga napaluha si Betong at todo ang pasasalamat sa kanyang kaibigan.

Ayon kay Betong, nu’ng una raw ay talagang inisip niyang nanloloko lang ang nagpakilalang RJ Richards kaya hindi siya naniwala agad.

“Nagbiro pa ako, nagbigay pa ako ng figure, e, medyo mataas pa kasi nga iniisip ko na baka bogus ‘to, e. Alam mo ‘yun, poser ganu’n,” sabi ni Betong sa panayam ng “24 Oras Weekend.”

Kuwento pa ng Kapuso comedian, nagbayad din daw agad si Alden sa pamamagitan ng kanyang account sa mga binili nitong items.

“Doon mo mapapatunayan na ‘yung mga kaibigan mo talaga, na totoong kaibigan mo na susuporta sa anumang gagawin mo,” chika pa ni Betong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, malaking tulong din daw ang ginagawa niyang online live selling dahil kahit paano’y may dagdag siyang kita ngayong panahon ng pandemya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending