Ka Tunying niresbakan ng Kakampinks: Isampal natin sa mukha niya ang galit ng 15-M bumoto kay Atty. Leni Robredo!
NADAMAY na ang veteran broadcaster at TV host na si Anthony Taberna sa matinding galit ng mga Kakampinks kay Toni Gonzaga.
Nanawagan na rin ang mga netizens na kontra kay Toni bilang bagong endorser ng isang online shopping app na boykotin na rin ang mga proyekto at negosyo ni Ka Tunying.
Ito’y matapos nga niyang kampihan si Toni nu’ng kasagsagan ng panawagang i-boycott o i-cancel ang Shoppee dahil sa pagkuha nito kay Toni bilang celebrity endorser.
Sa kanyang YouTube channel, nag-live si Ka Tunying noong September 29, kung saan pinagsabihan niya ang mga netizen lalo na ang mga “Kakampinks” o supporters ni dating Vice President Leni Robredo.
“Wala kayong kadala-dala, ‘yang boycott-boycott n’yo na ‘yan malaking kalokohan ‘yan. Dahil marami nang Pilipino ang nabu-buwiset diyan sa boycott, boycott i-style n’yo na ‘yan.
“Hindi pa ba kayo nakaka-move on sa matindi at kahiya-hiyang pagkatalo ng manok n’yo? Dapat tapos na yun, tapos na yun. Puwede ba tama na? Sinasaktan n’yo lang ang sarili n’yo,” pahayag ng news anchor.
Hindi nga ito nagustuhan ng mga kumokontra kay Toni kaya kanya-kanya silang banat kay Ka Tunying ay idinamay pa ang pag-aari nitong nga negosyo.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens na nabasa namin sa social media.
View this post on Instagram
“Dear Tunying, please don’t worry, Kakampinks won’t boycott your bakery. We can’t boycott anything we never considered patronizing.”
“Epal talaga! Wag kang makialam sa diskarte ng ibang tao. Yang buhay mo ang pakialaman mo. Ano dikta dikta lang. Kayo lang may karapatang mag salita at mag opinyon. E di wow!”
“IBOYCOTT ANG NEGOSYO NI TUNYING! Pakilista dito kung alin at saan. Tapos RT natin ng madaming beses at walang katapusan nang maramdaman ni Tunying ang epekto ng pambabalewala niya.”
“Please don’t pay attention to Tunying. Even during the election, he’s trying hard to be relevant.”
“I have that kind of feeling the push backs against Gonzaga as the new endorser of Shopee and a call for a boycott is really gaining momentum at this point. Let’s do this and let’s make it happen. Isampal natin sa pagmumukha ni Ka Tunying ang galit ng 15M na bumoto KAY ATTY LENI.”
“Mga kakampink boycott Tunying restaurant and all social media. Let us show are force.”
In fairness, may mga nagtanggol din naman sa broadcaster na nagsabing huwag na raw idamay ang mga negosyo ni Ka Tunying dahil baka raw maraming mawalan ng trabaho.
“Tunying Taberna was one the first victims of Kakampink’s cancel culture. The same results, their boycott did not prosper. Here is the thing, destroying someone’s livelihood is hard to forgive. You can’t blame his anger.”
“Walang mangyayari sa cancel cancel na yan at ang luma na ng boycott boycott na yan. Kung ayaw nyo kay Toni at kay Anthong e di wag. Ikamamatay nyo ba yan? Ikayayaman nyo ba yan? Move on move on din pag may time!”
“Hindi, Kuya Tunying. Ang sumasakit lang sa kanila ay ang daliri nila sa kaka-tweet!”
“Willing ba kayong bigyan ng bagong work yung mga mawawalan ng trabaho kapag nagsara sila?”
“Huwag idamay yung mga negosyo niya kasi kawawa naman mga empleyado! Wala naman silang kinalaman sa views ng owners.”
“Just because he’s enabler, damay ang store and his employees? Paano pala if Kakampink empleyado niya and because of this cancel culture and napasara sila, wala na kikitain yung mga walang kinalaman sa owner nila?”
Bukas ang BANDERA sa magiging depensa at paliwanag nina Toni at Ka Tunying hinggil sa trending na isyung ito.
https://bandera.inquirer.net/320400/ka-tunying-never-humingi-ng-tulong-sa-pamilya-marcos-para-sa-medical-bill-ng-anak
https://bandera.inquirer.net/325440/ka-tunying-sa-mga-kakampink-wala-kayong-kadala-dala
https://bandera.inquirer.net/323304/ka-tunying-pumirma-na-rin-ng-kontrata-sa-alltv-ni-manny-villar-ngayon-lang-nakaranas-ng-signing-ceremony
https://bandera.inquirer.net/311803/72-anyos-na-nanay-ni-nikki-valdez-takot-na-takot-noong-mag-join-sa-political-rally-but-now-shes-a-trooper
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.