Jessie J may baby boy na, hirap na hirap sa panganganak

Jessie J may baby boy na, hirap na hirap sa panganganak: It was everything I wanted because I got him…

Pauline del Rosario |June 04,2023
facebook
share this

Jessie J may baby boy na, hirap na hirap sa panganganak: It was everything I wanted because I got him…

Pauline del Rosario - June 04, 2023 - 01:09 PM

Jessie J may baby boy na, hirap na hirap sa panganganak: It was everything I wanted because I got him…

PHOTO: Instagram/@jessiej

NANGANAK na ang sikat na British pop singer na si Jessie J!

Kinumpirma ito mismo ng singer sa pamamagitan ng social media at sinabi niyang nagsilang siya ng baby boy.

Sa Instagram post, ibinandera ng pop star ang isang dance video habang siya ay nakasuot ng hospital gown at malapit nang manganak.

Kalakip niyan ay naikuwento niya ang ilan sa mga pinagdaanan niya sa kanyang pregnancy journey.

Ayon sa kanya, natural birth sana ang plano niya ngunit tila baliktad umano ang naging pwesto ng kanyang baby sa loob ng kanyang tiyan.

Dahil daw diyan ay napilitan siyang sumailalim sa C section ng panganganak.

“I had a scan at a few days off of 40 weeks and he was completely the wrong way around and stuck as he was a little chunkier than your average and long,” chika ng singer.

Kwento pa niya, “I did everything to try and turn him for 2 months but he said ‘Nah mum I wanna make an entrance out the roof, not the front door’.”

Baka Bet Mo: Jessie J buntis ulit, baby bump ibinandera sa socmed: I’m so happy and terrified

“I was advised to have a planned C section for the safest birth,” dagdag niya.

Patuloy pa niya, “This video was taken 5 minutes before I went down to surgery. I went into active labour the night before and feeling all the feels but mostly just excitement for us to meet our baby boy.”

Ayon pa sa kanya, ang mahalaga ay nailabas na niya ang kanyang anak at ‘yun ang pinaka importante sa lahat.

“I had a birth and it was everything I wanted because I got him at the end of it, that’s all that matters,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessie J (@jessiej)

Kung maaalala, nitong Enero lamang nang ibinandera ng pop singer ang kanyang pagbubuntis.

Excited niyang ipinakita ang positive result ng kanyang pregnancy test, pati na rin ang ilang litrato ng kanyang baby bump.

November 2021 naman nang ibinalita ni Jessie J na siya ay nakunan matapos sumailalim sa ilang medical tests.

Hindi pa ibinubunyag ng singer kung sino ang ama ng dinadalang anak, pero nauna na niyang ibinahagi ang tungkol sa kanyang desisyon ng pagkaroon ng anak na sarili lamang niyang itataguyod.

Related Chika:

Jessie Salvador hiyang-hiya kapag ipinakikilalang sisteraka ni Maja: Payo niya sa akin, ‘ibigay mo yung 1000% mo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ethel Booba nabuking ang planong marriage proposal ng dyowa: Hindi ako sasagot ng yes, natatakot ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending