Herlene Budol pasok sa 1st screening ng Miss Grand International PH 2023: 'Pipilitin kong mauwi ang kauna-unahang Golden Crown para sa ating bansa' | Bandera

Herlene Budol pasok sa 1st screening ng Miss Grand International PH 2023: ‘Pipilitin kong mauwi ang kauna-unahang Golden Crown para sa ating bansa’

Ervin Santiago |June 04,2023
facebook
share this

Herlene Budol pasok sa 1st screening ng Miss Grand International PH 2023: ‘Pipilitin kong mauwi ang kauna-unahang Golden Crown para sa ating bansa’

Ervin Santiago - June 04, 2023 - 10:52 AM

Herlene Budol pasok sa 1st screening ng Miss Grand International PH 2023: 'Pipilitin kong mauwi ang kauna-unahang Golden Crown para sa ating bansa'

Herlene Budol

IN FAIRNESS, maraming natuwa at na-excite sa pagsali ng Kapuso star na si Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol sa Miss Grand Philippines 2023 pageant.

Isa si Herlene sa 11 masusuwerteng nag-apply na natanggap sa ginanap na first screening ng naturang national pageant kamakailan.

Ibinandera ng TV host-comedienne sa social media ang litrato nila ng kanyang talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino ma kuha sa naganap na screening ng Miss Grand Philippines 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Ang inilagay na caption ng dalaga, “Mga KaSquammy ko, Congrats me at Napasok po ako sa First batch screening ng @msgrandphil 2023. Salamat Sir @sirwil75.”

Pinasalamatan din ni Hipon Girl ang lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal, sumusuporta at nagtitiwala sa kanya lalo na yung mga hindi talaga siya iniiwan sa kanyang mga laban sa buhay.

“Salamat sa mga nag PM sa akin ng Goodluck and we support you all the way.

Baka Bet Mo: Maureen Wroblewitz bukas pa rin sa muling pagsali sa Miss Universe Philippines pageant, pero…

“Sa mga nababasa ko mga comments nyo dto at sa mga ibat ibang content sa Tiktok ay bigla po ako naka ramdam ng konting pressure at tense tulad nung nag register at screening ko nakaraan taon sa @bbpilipinasofficial 2022. I miss my BPCI family.

“Habang nag fifill up ako ng registration for @msgrandphil ramdam ko andyan si Nanay Bireng sa tabi ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Nay, Samahan mo ako sa aking panibagong yugto at Journey ko dto sa patimpalak na aking pinapangarap para sa ating bansa.

“Sana huwag nyo akong iwanan mga KaHiponatics ko tulad ng pag sabak ko sa BBP last year. Pipilitin ko ma uwi ang kauna unahang Golden Crown para sa ating bansa,” mensahe pa ng komedyana na itinanghal na first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022.

Ang Miss Grand Philippines ay nasa ilalim na ng ALV Pageant Circle, matapos bitiwan ng Binibining Pilipinas ang franchise nito sa naturang international pageant.

Si Roberta Tamondong ang naging bet ng bansa sa Miss Grand International 2022 na siyang itinanghal na 5th runner-up. Ang Brazilian beautuly queen naman na si Isabella Menin ang reigning Miss Grand International 2022.

Magaganap ang Miss Grand Philippines 2023 sa darating na July 18 sa SM Mall of Asia Arena.

Hugot ni Herlene Budol sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi ka na makakabangon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Christine Bermas nag-frontal sa ‘Scorpio Nights 3’, naiyak sa presscon; Mark Anthony nagpakita ng pagkalalaki

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending