Payo ni Willie sa pagrampa ni Herlene sa Bb. Pilipinas: Panoorin mo kung paano sumagot sina Pia, Catriona at Gloria Bandera

Payo ni Willie sa pagrampa ni Herlene sa Bb. Pilipinas: Panoorin mo kung paano sumagot sina Pia, Catriona at Gloria

Ervin Santiago |May 11,2022
share this

Payo ni Willie sa pagrampa ni Herlene sa Bb. Pilipinas: Panoorin mo kung paano sumagot sina Pia, Catriona at Gloria

Ervin Santiago May 11, 2022 - 07:19 AM

Herlene Budol at Willie Revillame

ILANG tips ang ibinigay ni Willie Revillame sa dati niyang co-host sa “Wowowin” na si Herlene Budol sa nalalapit na pagrampa nito sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Muling nagkita at nagkasama si Kuya Wil at ang Kapuso comedienne na si Herlene na unang nakilala bilang “Hipon Girl” nang maging contestant sa dating Kapuso show na “Wowowin.”

Sa bagong vlog ni Herlene na in-upload kahapon, May 10, humingi ng advice ang aspiring beauty queen sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas this year.

Paalala ni Willie sa dati niyang co-host sa “Wowowin”, kailangan lamang magpakatotoo siya sa kanyang sarili at sa mga tao, lalo na sa pagdating sa question and  answer portion.

“Be yourself. Kung ano ka, kung ano ‘yung sinimulan mo sa ‘Wowowin,’ ‘yun ka. Kapag tinanong ka na mag-English, meron kang interpreter. Joke lang ‘yun pero be yourself,” bahagi ng advice ng komedyante.

Pagbibigay halimbawa pa ni Willie kay Herlene, “’I am Filipina. Gusto kong sagutin ‘to na para maintindihan ng aking mga kababayan. Hindi pa naman ako winner.’

“‘Gusto kong sumagot ng kung ano ako at kung anong dapat nilang maintindihan,’” sey pa ni Willie bilang example sa pagsagot sa tanong in Filipino.

Ipinagdiinan naman ni Herlene na talagang ang balak niya sa Q&A segment ng sinalihang beauty pageant ay sumagot sa Tagalog.

Naniniwala siya na mas maipapahiwatig niya ng tama at maayos ang kanyang sarili sa pamamagitan ng Filipino language.

Dagdag naman ni Willie, malaki ang maitutulong kay Herlene kung panonoorin at pag-aaralan niya ang style ng pagsagot ng mga Filipina na nanalong Miss Universe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Panoorin mo si Pia (Wurtzbach), the way she answers, si Catriona (Gray), si Gloria Diaz. Panoorin mo silang lahat, kung paano sila sumagot,” payo pa Willie sa dalaga.

Sa isang Instagram post kamakailan, pinasalamatan ni Herlene si Willie kalakip ang isang litrato nila together.

Aniya sa caption, “Isa ring karangalan para sa akin na Kuya Wil eto noh…hehe masaya na may halong iyak ako habang kausap ko cya sa phone.

“Dahil cya ang humulma sa akin at sobrang proud cya sa akin at natutuwa po cya sa akin kasi lagi ko daw cya ina-acknowledge! d ko raw cya nakakalimutan!

“Siempre naman alagang Wowowin si Hipon girl. nag gain ako ng popularity dahil pag joined ko sa Wowowin segment Willie of Fortune tapos cya din nakakita sa aking potential at ginawa akong regular host dahil sa kakulitan at funny jokes ko!

“Malaki utang na loob ko sa kanya. dahil kalahating utak ko cya ang nag ambag,” mensahe pa ng Kapuso comedienne.

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Catriona bumilib sa pagrampa ni Rabiya sa 2020 Miss U, pero…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending