Jason Hernandez nilinaw na walang bagong dyowa: Technically still married | Bandera

Jason Hernandez nilinaw na walang bagong dyowa: Technically still married

Therese Arceo |June 03,2023
facebook
share this

Jason Hernandez nilinaw na walang bagong dyowa: Technically still married

Therese Arceo - June 03, 2023 - 11:03 PM

 Jason Hernandez nilinaw na walang bagong dyowa: Technically still married

PINABULAANAN ng singer-songwriter na si Jason Hernandez ang mga kumakalat na balitang may bago na siyang girlfriend.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang video nila ni Sumaya McEvoy na parte ng kanyang latest music video na “Ikaw Pa Rin”.

“Hi, for some people this has been clarified already but I want it to also come from me: the girl in the music video is not my girlfriend,” umpisa ni Jason.

Aniya, ang babaeng kasama niya rito ay isa lamang kaibigan.

“Her name is Sumaya McEvoy, a friend from El Nido who was game enough to shoot the vid,” lahad pa ni Jason.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)

Baka Bet Mo: Jason sinagot ang kapatid ni Moira matapos ang ‘maanghang’ na comments sa bagong MV: I gave my all to try to get her back!

Pagdidiin niya, “I don’t have a girlfriend because I am technically still married and of course I won’t have one while my annulment has not been finalized yet.”

Matatandaang gumawa ng ingay nitong mga nakaraang linggo si Jason matapos ang tila pa-soft launch niya ng kanyang bagong karelasyon sa social media.

Sunud-sunod ang naging pagpo-post niya ng iba’t-ibang larawan nila ng naturang babae kaya mas naging malakas ang hinala ng netizens na ito na ang bagong niyang pag-ibig.

Ngunit nagbago nga ang ihip ng hangin nang ilabas nito ang music video na “Ikaw Pa Rin” kung saan makikita ang ilang clips nila ni Moira lalo na noong ikinasal sila.

Inamin niya na mahal pa niya ang estranged wife at nais niya itong balikan. Ang isa nga sa kanyang naisp na paraan ay ang pagsusulat ng kanta at ito nga ang kontrobersyal na awiting “Ikaw Pa Rin”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Jason Hernandez sa mga parinig daw ni Moira: ‘Tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako…I deserve it’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending