Romnick Sarmenta suma-sideline bilang guro, nagiging ‘crush’ nga ba ng mga estudyante?
KAHIT abala sa showbiz industry ang batikang aktor na si Romnick Sarmenta, tila naglalaan din siya ng oras upang isalin ang kanyang mga kaalaman sa paggawa ng pelikula at talento sa pag-arte sa mga kabataan.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, nagtuturo si Romnick sa Trinity University of Asia sa Quezon City.
Base sa website ng nasabing paaralan, isa siyang “invited media practitioner” at ang mga kurso na kanyang itinuturo ay Creative Writing, Behavioural & Social Change Communication, Writing for Non-dramatic Materials at Writing Dramatic Materials.
Kamakailan lang ay nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang batikang aktor at ilan sa mga napag-usapan nila ay ‘yung pagiging guro niya.
Isa sa mga naitanong sa kanya sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ay kung nagiging crush ba siya ng mga estudyante sa eskwelahan, lalo na’t isa siyang heartthrob noong dekada nobenta.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra, Romnick Sarmenta gaganap na magdyowa sa ‘Drag You & Me’, game na game sa kissing scene
Tanong ni Tito Boy, “Bilang guro, may na-inlove na bang estudyante sa’yo?”
Ayon kay Romnick, marami ang nagpapa-selfie sa kanya pero ito raw ay dahil mga magulang nila ang may crush sa kanya.
“What’s funny is that most of my students say, ‘Sir, pwede po ba ako magpa-selfie kasi crush ka ng nanay ko.’ So mas feeling ko, mas safe ako dahil nanay nila ang may crush sa akin,” sey niya sa TV host.
Samantala, Nakachikahan ng BANDERA ang isa sa mga estudyante at katrabaho ni Romnick sa eskwelahan at ayon sa kanila, ramdam ang pagpapahalaga ng aktor pagdating sa edukasyon at pagtuturo.
“Okay siya magturo. Karamihan kasi ‘nung tinuturo niya based sa experiences niya sa industriya,” kwento ni Elijah Franco, isa sa mga estudyante ng batikang aktor.
Dagdag pa niya, “Naalala ko ‘nung first day namin na-late siya kasi galing taping. Umuwi siya para maligo tas rekta sa school. Wala nang tulog tulog.”
“So parang pinahahalagahan naman niya ‘yung students. Tas after ng class namin meron pa siyang klase na kasunod,” ani pa ni Elijah.
Sumang-ayon naman diyan si Dr. Walter Yudelmo, ang Media and Communication Department Academic Head ng unibersidad at sinabing nababalanse ng aktor ang kanyang responsibilidad bilang guro, kahit siya ay busy sa mga taping.
Sambit ni Dr. Yudelmo, “As a faculty member, he never missed any of the University activity when he was available. It seems like teaching is one of his passions.”
“For the past semester that he was with us, he always got teaching excellence in his evaluations,” kwento pa niya.
Aniya pa ng academic head, “We hope to have more like him in the Media and Communication Department to influence the creative and critical thinking skills of students.”
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.