COVID-19 positivity rate sa bansa bumaba na –Octa Research

COVID-19 positivity rate sa bansa bumaba na –Octa Research

Pauline del Rosario - June 02, 2023 - 03:52 PM

COVID-19 positivity rate sa NCR biglang tumaas ngayong Holy Week –OCTA

GOOD news, mga ka-bandera!

Mababawasan na ang pangamba natin sa COVID-19, ngunit hindi ibig sabihin niyan ay wala nang kumakalat na virus.

Ayon sa independent pandemic monitor na Octa Research, bumaba na ang positivity rate o ‘yung bilang ng mga nahahawaan ng virus sa bansa.

As of May 30, nasa 19.9 percent nalang ang Metro Manila.

Mas mababa ‘yan kumpara noong nakaraang linggo na nasa 24.4 percent ang COVID-19 positivity rate.

Sabi ni Octa Research fellow Guido David, dahil sa kasalukuyang percentage ay maituturing nasa “moderate-risk” na ang COVID-19.

“COVID-19 hospital beds occupied decreased slightly over the same period, remaining at low occupancy,” dagdag pa ni David.

Baka Bet Mo: COVID-19 hindi na itinuturing ‘global health emergency’ –WHO

Gayundin ang nakitang datos sa buong bansa na kung saan ay bumaba sa 20.3% ang COVID-19 positivity rate, as of June 1.

Matatandaan noong nakaraang araw ay nasa 21.2% ito.

Kahapon lamang, June 1, ay nakapagtala ng 1,537 new infections ang Department of Health’s (DOH).

Ngunit base sa projection ni David ay maglalaro ito sa pagitan ng 1,100 hanggang 1,300 na mga bagong kaso ng virus ngayong araw, June 2.

“Projecting 1,100-1,300 new cases on June 2, 2023,” sey ng Octa fellow.

Samantala, ayon sa latest report ng DOH ay nasa 15,418 na ang active cases o kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna nang nagpaalala ang Health officer-in-charge na si Maria Rosario Vergeire na inaasahan ang pagtaas at pagbaba ng bilang ng mga impeksyon sa bansa dahil sa mas mababang bilang ng mga pagsusuri na isinasagawa.

Read more:

Vice inatake ng matinding anxiety dahil sa mataas na hairline: Pero ngayon, wala na akong pake!

Mike Tan naka-graduate na rin sa college, nagpasalamat sa mga kapwa artista na tumulong sa kanyang ‘research’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending