John Lapus puring-puri sina Dingdong at Marian, wish maidirek sa isang romcom project: 'Napakabait nilang producers at professional na mga artista' | Bandera

John Lapus puring-puri sina Dingdong at Marian, wish maidirek sa isang romcom project: ‘Napakabait nilang producers at professional na mga artista’

Ervin Santiago - May 31, 2023 - 07:15 AM

Sweet puring-puri sina Dingdong at Marian, wish maidirek sa isang romcom project: 'Napakabait nilang producers at professional na mga artista'

John Lapus, Dingdong Dantes at Marian Rivera

WISH ni John “Sweet” Lapus na makatrabaho uli ang Kapuso royale couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Puring-puri ni Sweet ang kabaitan at pagiging professional ng mag-asawa nang makasama niya ang mga ito sa  GMA family sitcom na “Bonggang Villa” kaya naman ipinagdarasal niya na sana’y magkaroon ng season 2 ang kanilang programa.

Nakachikahan namin ang veteran comedian at director at natanong nga namin siya tungkol sa celebrity couple.  Paano na niya ide-describe sina Dingdong at Marian bilang katrabaho? At kung may chance, ano yung materyal na gusto mong gawin for them?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jonathan Anthony Lapus (@korekkajohn)


“Naku! Napakagaang ka-work ng DongYan. Maliban sa matagal ko na silang friends, naging sidekick pa ako ni Marian sa ‘Show Me Da Manny’ (dating comedy show ng GMA starring Manny Pacquiao) at pelikulang ‘Super Inday And The Golden Bibe’ kaya may rapport na kami.

“I also appreciated them as producers during the shoot of ‘Bonggang Villa’ in Antipolo. Napakabait nilang producers at professional na actors. We are all actually praying for our season 2.

“And sana maidirek ko sila sa isang romcom about two single parents who are both looking for a second love but their kids and their jobs are keeping them apart. Ganda!” excited na chika ni Sweet.

Baka Bet Mo: Bianca Lapus inaming nasasaktan ang anak nila ni Vhong sa nangyayari sa ama: If only I can take away the pain

Saan ba siya mas nag-e-enjoy o mas nakakaramdam ng satisfaction, sa pag-arte o sa pagdidirek?

“Pareho naman. But siyempre mas challenging for me ang pagdidirek since nag-start lang ako magdirek noong 2018. I’ve been in the industry for 30 years now, halos nagawa ko na lahat ng role for a gay actor like me.

“But passion ko ang acting so hahanap-hanapin pa rin ng katawan ko yan. At mas malaki TF (talent fee) ko as an actor at feeling ko mas magaling akong artista kesa director,” ang pagpapakatotoo pang sey ni Direk Sweet.

Anu-ano ang mga hindi niya malilimutang experience sa pagdidirek, yung talagang na-challenge siya nang bonggang-bongga?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


“My first directorial during pandemic, yung AACA (Asian Academy Creative Awards) nominee na #Boyfriend No13. Last ko pa yung ‘Kadenang Ginto’ sa ABS-ABS-CBN before pandemic.

“Medyo nanibago ako sa mga protocols. Ang hirap magdirek nang naka-face mask. Tapos via zoom pa ang preprod. Salamat sa APT Entertainment at talagang inalagaan kami during our lock-in in Tagaytay,” chika pa ng komedyante.

Anu-ano naman ang maipapayo niya sa mga aspiring director? At paano niya ide-describe ang sarili bilang direktor?

“Mag-aral, mag-research, maghanda bago sumalang. Pag alam mo ang ginagawa mo, everything will be easy kahit bagong director ka lang.

“Tapos pag nasa set ka na, maging mabait ka sa staff, crew at actors. Talent is nothing without good attitude. Your talent will give you the break but your attitude will keep you in business.

“As a director, I make sure that I have the talent and the attitude. Tapos dadagdagan mo na lang ng dasal na sana mapunta ka sa mahusay na cast, staff and crew at mabait na producers.

“Now with my cast, staff, crew at producers sa Asian TV Awards nominee na Balita Onenan (season 2) at Jack & Jill, dininig ng Diyos ang dasal ko. Sapat na sapat na yon. I am very grateful,” aniya pa. Ang tinutukoy ni Sweet na Jack & Jill ay ang comedy show niya sa TV5 starring Sue Ramirez and Jake Cuenca.

‘Maraming indie directors ang nakatengga ngayon dahil choosy na ang mga producer’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Lapus: Dasal ko kay Lord kapag namatay ako, one time, big time na lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending