Eula pinayuhan si Jodi sa pagiging nanay: 'Namnamin mo habang nandiyan pa sa 'yo ang anak mo' | Bandera

Eula pinayuhan si Jodi sa pagiging nanay: ‘Namnamin mo habang nandiyan pa sa ‘yo ang anak mo’

Ervin Santiago |May 29,2023
facebook
share this

Eula pinayuhan si Jodi sa pagiging nanay: ‘Namnamin mo habang nandiyan pa sa ‘yo ang anak mo’

Ervin Santiago - May 29, 2023 - 07:43 AM

Eula pinayuhan si Jodi sa pagiging nanay: 'Namnamin mo habang nandiyan pa sa 'yo ang anak mo'

Jodi Sta. Maria at Eula Valdes

KAPAG hindi sila nakasalang sa taping ng kauna-unahang collaboration ng ABS-CBN at GMA 7 na “Unbreak My Heart”, ang pagiging nanay ang nagiging usapan nina Eula Valdes at Jodi Sta. Maria.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sina Jodi at Eula, nagkasama na sila noon sa Kapamilya series na “Kampanerang Kuba” na pinagbidahan ni Anne Curtis.

Bukod dito, pareho rin silang gumanap na Amor Powers sa original at remake ng teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo”.

Sa presscon ng “Unbreak My Heart” kamakalawa, May 25, natanong si Eula kung kumusta ang muli nilang pagsasama nila ni Jodi sa isang makasaysayang TV project.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eulavaldes


“Magkaiba kasi ang aming characters. Siya ay medyo subdued, ako ay medyo, alam mo, totoong tao na kung ano ang iniisip, yun ang sasabihin.

“Marami kaming encounters bilang anak ko si Joshua (Garcia) dito at nagka-affair sila, di ba? So, meron kaming mga confrontational scenes,” sabi ni Eula.

Pag-alala pa ng premyadong aktres, “Noon, isa lang ang standby area namin. Ikakasal na lang siya pero tumatalun-talon pa sa kama, alam mo yun.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes humiling ng dasal para sa lolang tinamaan ng COVID-19; Eula Valdes balik-GMA 7 na rin

“Ngayon, may anak na rin siya. Ang layo na rin, sobrang mature na rin siya ngayon, and makikita mo namang marami nang experiences din. And mas in-embrace niya yung motherhood. Yun ang nakikita ko sa kanya,” aniya pa.

At kapag wala silang ginagawang eksena, super chikahan sila about  motherhood, “Oo, napag-uusapan din namin na ako, may 18 years old na ako. Tapos si Thirdy, mag-e-18 na rin.”

Ang tinutukoy ni Eula na Thirdy ay ang nag-iisang anak ni Jodi sa dating asawang si Pampi Lacson na binatang-binata na ngayon.

“And ano ba yung nararamdaman ng… kami yung kumbaga universe, center of their attention before, and now,” ang tumatawang chika pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


“Yun ang napapag-usapan namin, na parang, ang hirap. Kasi ako next year, yung panganay ko, kasi, nag-asawa na ang panganay ko pero nandito pa, next year magma-migrate na siya sa US. Kasi, taga-Amerika ang napangasawa niya.

“And yung bunso ko naman ay 18 na, next year magka-college na siya sa Australia. Empty nest. Empty nest na yung bahay ko. And sabi ko kay Jodi, ‘Namnamin mo habang nandiyan pa sa yo ang anak mo!’

“Hindi ko alam ang magiging buhay ko kapag wala na sila sa bahay ko, alam mo yun. Siguro ako yung magbibisita na… gagawin kong Makati ang Australia at ang Amerika para makasama ang mga anak ko.

“Yun ang mahirap pero hindi ko pa siya pinoproblema. Ine-enjoy ko muna. Instead of i-welcome ko yung, ‘Hah, ano nang mangyayari sa akin?!’ kapag wala na sila.

“Hindi ko sila mapipigilan sa buhay na gusto nilang mangyari, di ba? Hindi ko mapipigilan. Hindi ko sila masabihan na, ‘Paano ako? Mag-isa na ako?!’ Hindi ko yun sinabi sa kanila. ‘Follow your dreams.’

“And alam ko, napag-aral ko na sila. Sila na ang bahala sa buhay na gusto nila and susuportahan ko na lang siya,” aniya pa.

Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eula Valdes agaw-eksena sa presscon ng ‘Martyr or Murderer; Darryl Yap nakakaloka ang sagot tungkol kay Joel Lamangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending