Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider | Bandera

Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider

Reggee Bonoan |May 16,2021
facebook
share this

Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider

Reggee Bonoan - May 16, 2021 - 03:03 PM

TRENDING ang larawang ipinost ni Eula Valdez sa kanyang Facebook page kung saan makikitang naka-motor siya with complete gear para kumuha ng RFID.

Ang caption ni Eula sa mga ibinahaging larawan, “Super init! Mahirap mag maintain ng bango, today you may call me Hulas Valdes.”

At dahil sa naranasan niyang matinding init ay pinuri niya nang husto ang mga delivery riders na laging nasa biyahe para lang maitawid nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

“Bilib ako sa mga delivery riders natin na whole day nasa kalsada, wow! I-mention ko lang sa init na na experience ko kahapon na nakihingi ako ng water sa Sucat toll gate nu’ng kumukuha ako ng RFID, maraming salamat po.

“Hindi biro trabajo ninyo! Pwede kang mag pass-out sa tindi ng init ng araw! Ingat po tayo at mag baon ng tubig! Humihilik daw ako kagabi. Nakakapagod kase! Blessed Sunday to all!  Photo courtesy of my back up,” sabi pa ng aktres.

Ayon naman sa netizen na si Rose Guinto, “Yes mam tama ka napakainit po ngyon kaya nga sabi ko sa inyo kahapon bat kayo nag rides ng katirikan ng araw pero sbi mo kailangan eh.

“Mass hanga ako sa ’yo mam Eula matikas ka pa din at di ka suplada at ito may picture pa tayong dalawa dito sa sucat exit thank you po at nakapag p- picture tayong dlawa. Thanks and keep safe always.”

May mga nagpayo naman kung ano ang dapat isuot ng aktres sa susunod niyang biyahe para mas maging kumportable siya.

Ayon kay @Jeff Hernandez, “Wear a riding jacket Ma’am Eula, it has better ventilation than the jacket that you’re wearing, plus it has the protective paddings.”

Nakatanggap ng positibong comments si Eula dahil sa papuri niya sa mga delivery riders tulad ni @Anonaj Iamnengskie Zalud na nagsabing, “Stunning Lady Rider salamat sa pag uplift sa mga delivery riders natin ingat po.”

Say naman ni @Maila Pontawe Almeida, “Buti ka pa idol parang di nagbabago for years as if parang bagets ka pa din ako dami nang nararamdaman kahit chappy yata di ko na ma drive salute to you idol.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba naman ay Amor Powers pa rin ang tawag kay Eula (karakter niya noon sa seryeng Pangako Sa Yo)  at pinag-iingat siya sa susunod niyang pagsakay ng motor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending