Kristine payag makatrabaho muli si Jericho, pero may kondisyon?

Kristine payag makatrabaho muli si Jericho, pero may mga kondisyon?

Pauline del Rosario |April 21,2024
facebook
share this

Kristine payag makatrabaho muli si Jericho, pero may mga kondisyon?

Pauline del Rosario - April 21, 2024 - 03:22 PM

Kristine payag makatrabaho muli si Jericho, pero may mga kondisyon?

Kristine Hermosa, Jericho Rosales

MAY sagot na si Kristine Hermosa sa pagnanais ni Jericho Rosales na muling makatrabaho ang batikang aktres.

Kung maaalala noong Pebrero nang ibunyag ng batikang aktor na yila kasama sa kanyang bucket list ay ang magkaroon ng movie adaptation ang 2000 hit series nila na “Pangako Sa ‘Yo.”

Para kasi kay Jericho, isang “unfinished business” ang version nila ng dating soap opera.

Mukhang pinag-isipan na nga rin ng aktor ang storyline sakaling matuloy ang gagawing pelikula nila ni Kristine. 

Ayon sa kanya, nais niyang ipakita sa movie version ang karakter nila ni Kristine makalipas ang dalawang dekada.

Baka Bet Mo: Jericho Rosales ‘di naghahanap ng new love: Too early for that

“I don’t want us to be parents—it’s just like, rock and roll lang kasi, you know, last na,” wika niya.

Kamakailan lang, na-interview ng entertainment journalist na si MJ Marfori si Kristine at na-bring up niya ang tungkol sa mga sinabi ni Jericho.

Sagot sa kanya ng aktres, “I think, depende talaga.”

“Depende po sa project, depende sa mga eksena, basta depende. I need to see everything muna. Talagang i-filter ko muna lahat, kumbaga kung worth it naman ang gagawin namin. Hindi ‘yung masabi lang na may ginawa lang together,” paliwanag ng celebrity mom.

Sey pa ni Kristine, “Wala namang problema sa kanya (kay Jericho), very professional naman din, kumbaga kung gusto ko, susuportahan naman niya. Okay naman siya.”

Dagdag niya, “Ayoko kasi ‘yung gumagawa ng kung ano-ano lang. Kumbaga kung gagawa ako, something that’s worth it naman. Worth may time, ‘yung effort ko tapos siyempre, iiwanan ko ‘yung mga anak ko, ‘yung mga ganun.”

“Basta ‘yung magandang project, ‘yung may katuturan,” giit pa ng aktres.

Kung matatandaan, taong 2015 nang magkaroon ng remake ang “Pangako Sa ‘Yo” na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o loveteam na “KathNiel.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong 2000 naman nang unang ipinalabas ang soap opera na pinagbidahan nina Jericho at Kristine, at ang serye nila ay natapos noong 2002.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending