Paalala ni Bossing Vic sa mga youngstars, dapat laging handa: 'Kapag oras ng trabaho, trabaho at 'pag laro, laro' | Bandera

Paalala ni Bossing Vic sa mga youngstars, dapat laging handa: ‘Kapag oras ng trabaho, trabaho at ‘pag laro, laro’

Ervin Santiago - May 28, 2023 - 07:52 AM

Paalala ni Bossing Vic sa mga youngstars, dapat laging handa: 'Kapag oras ng trabaho, trabaho at 'pag laro, laro'

Vic Sotto, Maja Salvador at Jose Manalo

KUNG may isang local celebrity na talagang may karapatan na magbigay ng payo sa mga baguhan at kabataang artista ngayon, yan ay walang iba kundi si Bossing Vic Sotto.

Ilang dekada nang namamayagpag ang veteran TV host-comedian sa mundo ng telebisyon at pelikula at kahit kailan ay hindi siya nagpahinga sa showbiz o nagbalak tapusin ang kanyang career.

Kaya naman sa ginanap na presscon ng bago niyang sitcom sa GMA 7, ang “Open 24/7” kasama sina Maja Salvador at Jose Manalo, natanong ang husband ni Pauleen Luna kung ano ang maipapayo niya sa mga youngstars ngayon na nangangarap ding magtagal sa entertainment industry.

Ayon sa movie at TV icon, naniniwala siya sa kasabihang “practice what you preach” para maging example sa lahat ng kanyang mga katrabaho, baguhan man o hindi.

“Alam mo para sa akin, pinaka-the best talaga is lead by example. ‘Yung kung ano ‘yung makikita nila sa ‘yo, ‘yun ang magbubukas ng mga isipin nila, e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)


“Pagdating sa trabaho, pagdating sa showbiz like for example being professional, darating ka sa set ready ka. Kapag oras ng trabaho, trabaho. Pag laro, laro,” pahayag ni Bossing.

Kitang-kita naman namin ang mga Sparkle artists na kasama ni Bossing sa “Open 24/7” na talagang nakikinig nang bonggang-bongga sa kanya tulad nina Allen Ansay, Sofia Pablo, Riel Lomadilla, Anjay Anson, Abed Green, Kimson Tan at Bruce Roeland.

Baka Bet Mo: Vic kakaririn ang pagbabalik-pelikula para sa MMFF 2023; umamin kung ano ang madalas nilang ‘pagtalunan’ ni Pauleen

Pagpapatuloy pa ng beteranong TV host, “Kami nila Jose, ni Ate Maja we have to lead by example.”

Isa pa sa nabanggit ni Bossing ay matuto at mag-enjoy sa trabaho, “Para sa akin ganu’n yun, e. Hindi mapapantayan ng kahit ano’ng advice o tip ‘yun, e.

“Kailangan kung ano ‘yung nakikita nila sa trabaho, pinaka-importante how to be professional and more importantly, kung paano mo i-enjoy-in, kung paano ka mage-enjoy sa trabaho.

“’Yung happy ka, hindi mo mararamdaman na trabaho ‘yun, dahil nag-e-enjoy ka, e,” aniya pa.

Basher tinuruan ng leksyon ni Vice: You’re a bad example to the Christian nation!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagtawag ni DJ Loonyo kay Hidilyn Diaz ng ‘toxic Filipino’ fake news: Hay naku, sino ba talaga ang bobo!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending