Final 4 mas matindi ang bakbakan sa grand finals ng 'The Clash', sino ang mag-uuwi ng P1-M, house & lot, GMA contract? | Bandera

Final 4 mas matindi ang bakbakan sa grand finals ng ‘The Clash’, sino ang mag-uuwi ng P1-M, house & lot, GMA contract?

Ervin Santiago |May 28,2023
facebook
share this

Final 4 mas matindi ang bakbakan sa grand finals ng ‘The Clash’, sino ang mag-uuwi ng P1-M, house & lot, GMA contract?

Ervin Santiago - May 28, 2023 - 07:52 AM

Final 4 tuloy ang bakbakan sa grand finals ng 'The Clash', sino ang mag-uuwi ng P1-M, house & lot, GMA contract

Arabelle dela Cruz, Mariel Reyes, Liana Castillo at Rex Baculfo

SIGURADONG mas matindi ang magaganap na bakbakan sa huling round ng “The Clash 2023” na magaganap na ngayong Linggo, May 21.

Last Sunday, May 21, ibinandera na ang huling apat na contenders ng original Kapuso reality singing search – sina Arabelle dela Cruz, Liana Castillo, Mariel Reyes at Rex Baculfo.

Sumalang tuna ang Final 4 Clashers sa “The Clash”  concert last week bago sila maglalaban-laban sa grand finale ngayong Linggo, May 28.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LianaCastillo (@lianacastillooo)


At in fairness, talagang tuwang-tuwa ang The Clash Panel na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas sa bonggang performance ng grand finalist.

Baka Bet Mo: True ba, halaga ng kumpletong OOTD ni Jinkee sa laban ni Pacquiao kontra Ugas umabot sa P2-M?

Sa panayam ng GMA sa Top 4 Clashers, natanong sila kung ano ang mga natutunan nila sa kanilang journey sa naturang competition.

Sabi ni Arabelle, “Hindi mo mapipigilan na ma-pressure habang nagpe-perform pero natutunan ko na kung paano i-handle ang emotions ko sa stage.”

Para naman kay Liana, “Mahina ako sa storytelling sa pagkanta. Pero ngayon, mas nailalabas ko na ang nararamdaman ko sa tuwing nagpe-perform.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by The Clash (@theclashgma)


Ayon naman kay Mariel, napakarami niyang natutunan sa “The Clash 2023”, “Dati sensitive ako kapag may nababasa or naririnig ako, umiiyak ako agad. But now, mas kaya ko nang maging strong palagi.”

Chika naman ni Rex, “Dati nu’ng nagsisimula ako, hindi talaga ako confident. Pero dahil sa The Clash natutunan ko nang magtiwala sa sarili.”

Sino nga kaya ang tatanghaling grand champion sa finals ng “The Clash 2023” this Sunday, May 28,  7:50 p.m. sa GMA Network, hosted by The Clash Masters Total Heartthrob Rayver Cruz and Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose. Ito’y mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Ang tatanghaling ikalimang “The Clash” grand champion ay mag-uuwi ng P1 million in cash, exclusive contract under GMA, at brand new house and lot worth P3 million pesos mula sa Camella.

Bakbakan ng mga ‘halimaw’ sa The Clash 4 mas tumindi pa; Rabiya bibida sa ‘Wish ko Lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ice Seguerra tambay noon sa bahay ni Martin Nievera: Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng kids niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending