Viy Cortez ipinahanap ang rider na lumuhod sa traffic enforcer para magbigay tulong | Bandera

Viy Cortez ipinahanap ang rider na lumuhod sa traffic enforcer para magbigay tulong

Therese Arceo |May 26,2023
facebook
share this

Viy Cortez ipinahanap ang rider na lumuhod sa traffic enforcer para magbigay tulong

Therese Arceo - May 26, 2023 - 11:57 PM

Viy Cortez ipinahanap ang rider na lumuhod sa traffic enforcer para magbigay tulong

HUMINGI ng tulong ang vlogger at social media influencer na si Viy Cortez upang mahanap ang nag-viral na delivery rider sa TikTok.

Nag-viral ang naturang delivery rider dahil sa pagluhod at pagmamakaawa nito sa isang traffic enforcer matapos siyang mabigyan ng ticket dahil sa naging paglabag sa batas trapiko.

Nitong Huwebes, May 25, ibinandera ni Viy sa kanyang Facebook post ang screenshot ng naturang TikTok video kung saan makikitang nakaluhod ang delivery rider.

Ang naturang screenshot ay mula sa video na in-upload ng TikTok user na si “Jhayrick”.

“May nakakakilala po ba kay kuya na nag trending sa tiktok? Yung kumuha ng lisensya ni kuya tapat lang siya sa sa kanyang trabaho(hindi ko alam ang tunay na nangyare) Pa tag po salamat,” saad ni Viy.

Marahil ay nais tulungan ng social media influencer ang delivery rider kaya niya ito hinahanap.

Baka Bet Mo: Viy Cortez niregaluhan ng mamahaling motor si Cong TV: ‘Deserve naman niya yan, ngayon ko lang siya bineybi nang ganito’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Ngunit paglilinaw ni Viy, hindi niya kinukwestiyon ang traffic enforcer lalo na’t ginagawa lang nito ang kanyang trabaho at hindi rin naman niya alam ang tunay na nangyari.

“Guys walang mali ang enforcer basahin nyo caption ko. Tapat lang sya sakanyang trabaho. Nais ko lang tulungan si kuya rider,” lahad ng vlogger.

Sey pa niya, “Dahil para lumuhod ka at magmakaawa maaring malaki ang pinagdadaanan nya.”

Nagbigay update naman si Viy matapos niyang makita ang rider na mula sa video na kanyang hinahanap.

Pakiusap pa niya, “Nagkita na po kami salamat po [heart emoji] wag nyo na po palakihin pa itong post ko salamat.”

Chika pa ni Viy, inaamin naman daw ng rider na nagkamali ito kaya nabigyan ng ticket.

“Aminado po si kuya na siya ay nagkamali. Saka lang po siya lumuluhod para sana mapababa kase po ₱2k po ang kailangan para maibalik.

“Kaya po wala kasalanan ang enforcer tapat po s’ya sa kaniyang trabaho,” giit ni Viy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman na sinabi ng vlogger kung ano ang mga ipinaabot nitong tulong sa delivery rider.

Related Chika:
Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending