Coco Martin patuloy na binabatikos ng netizens matapos umamin sa relasyon nila ni Julia Montes | Bandera

Coco Martin patuloy na binabatikos ng netizens matapos umamin sa relasyon nila ni Julia Montes

Reggee Bonoan |May 25,2023
facebook
share this

Coco Martin patuloy na binabatikos ng netizens matapos umamin sa relasyon nila ni Julia Montes

Reggee Bonoan - May 25, 2023 - 02:59 PM

Coco Martin patuloy na binabatikos ng netizens matapos umamin sa relasyon nila ni Julia Montes

KALIWA’T kanan ang banat ng netizens kay Coco Martin dahil sa pag-amin nitong 12 years na silang magkasama, anong masama roon?  Wala namang inaming magka-relasyon sila.

Una silang nagkasama sa teleseryeng “Walang Hanggan” (2012). Ibig bang sabihin mag-dyowa na agad sila?

Seventeen years old si Julia nang gawin nila ni Coco ang “Walang Hanggan” na umere noong Oktubre 26, 2012 at umabot ito ng dalawang season na ibig sabihin ay nagtapos ito ng Abril 2013.

Sa madaling salita inabutang mag-disiotso ang aktres ng 2013 dahil kaarawan niya ay Marso 19, 2013.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil kaliwa’t kanan ang pagpukol kina Coco at Julia na menor de edad daw ang aktres nang maging sila ng aktor, e, hayan, kayo na ang mag compute at mag minus.

Baka Bet Mo: Coco Martin trending sa socmed matapos aminin ang relasyon kay Julia, sey ng netizens: ‘Is Coco a groomer?’

Sobrang saya ng aktor nu’ng gabi habang kasama si Julia sa celebrity screening ng “Unbreak My Heart” dahil finally ay malaya silang nakapag holding hands ni Julia na hindi naman din itinanggi ng aktor na espesyal sa kanya ang aktres.

Kaya nasambit ni Coco na “12 years na silang magkasama” ng aktres na inisip kaagad ng netizens na mag-dyowa na.

Tulad ng aktor laking lola si Julia kaya alam ng aktor kung paano rumespeto at higit sa lahat iginalang ng aktor ang aktres.

Anyway, masaya si Coco at ang Dreamscape Entertainment dahil kahit walang prangkisa ang ABS-CBN ay hindi nagpapahuli ang FPJ’s Batang Quiapo sa katapat nitong programang Voltes V dahil base sa lumabas na ratings game nitong Martes, Mayo 23 ay tabla ang dalawa sa rating na 12.8%.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Matapos umaming 12 years nang magkasama…Coco, Julia hiniritan ng netizens ng ‘baby reveal naman d’yan!’

‘Batang Quiapo’ ni Coco Martin ayaw tantanan ng kontrobersya, reklamo ng mga vendor wala pang solusyon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending