Sam Pinto sa biglang pag-alis sa mundo ng showbiz: 'Siguro that time ayoko na...I think I was tired' | Bandera

Sam Pinto sa biglang pag-alis sa mundo ng showbiz: ‘Siguro that time ayoko na…I think I was tired’

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Sam Pinto sa biglang pag-alis sa mundo ng showbiz: ‘Siguro that time ayoko na…I think I was tired’

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 10:44 AM

Sam Pinto sa biglang pag-alis sa mundo ng showbiz: 'Siguro that time ayoko na...I think I was tired'

Anthony Semerad, Sam Pinto at Mia Semerad

NAPAGOD at na-burn out ang sexy actress-model na si Sam Pinto kaya nagdesisyon siyang iwan ang mundo ng showbiz ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Nagsunud-sunod kasi ang trabaho niya noong kasagsagan ng kanyang career kaya naman hindi maiwasan na makaramdam din siya ng matinding kapaguran at stress.

Sa panayam kay Sam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, makalipas ang mahabang panahong pamamahinga at pananahimik sa showbiz, muli nga siyang nagbabalik sa larangan ng pag-arte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto-Semerad (@sampinto_)


Inamin nga niya na napagod siya noon sa trabaho kaya pinili niyang tumigil muna, “Honestly, I think I was tired and parang burned out na so parang I needed a break.”

“Then sakto sumabay din ‘yung building ng resort in Baler and it was around pandemic noong nagpatayo kami,” aniya pa sa panayam ni Tito Boy.

Pero parang super na-enjoy daw niya ang pagre-rest na malayo sa limelight kaya medyo natagalan ang kanyang pagbabalik sa mundong minahal na rin niya at itinutung na second home.

Baka Bet Mo: Alden napagod din sa pressure ng sobrang kasikatan: ‘Wala na po akong identity, parang nasaan na ‘yung pagkatao ko?!’

“I think I enjoyed the break too much kasi I was just chilling, Tito Boy, I had all the time that I needed. I can do anything, I can go anywhere, parang it is freedom basically,” pahayag ng actress-entrepreneur.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto-Semerad (@sampinto_)


Sundot na tanong ni Tito Boy tungkol sa pag-alis ni Sam noon sa entertainment industry, “Sam, was it a decision na parang ayoko na or I’m just gonna take a break?”

“Siguro that time ayoko na. I think mostly because of work, kasi I was working every day that time,” ang tugon ni Sam kasabay ng pag-amin na na-miss din niya nang bonggang-bongga ang pag-aartista.

“Actually, what I really miss about showbiz, I kinda miss being busy. I know it’s weird but when you’re so used to it and then biglang nag-stop parang, I don’t know what to do with myself,” lahad pa ni Sam.

Feeling pa ng aktres, na-manifest niya ang kagustuhang makabalik sa showbiz dahil habang ini-imagine raw niya na umaakting uli ay biglang may dumating na offer sa kanya.

Ang tinutukoy ni Sam ay ang alok ng GMA 7 para maging bahagi siya ng afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Sa ngayon ay super happy pa rin si Sam sa piling ng kanyang asawang si Anthony Semerad. Biniyayaan sila ng isang anak, si Mia.

Sam Pinto nagkaproblema rin habang nagbubuntis sa 1st baby: I was preeclampsia…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine Mendoza napagod nang i-call out ang ‘delusional’ fans ng AlDub: I don’t think there’s something I can do

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending